Banat ng mga Solid Magmahal

blog

Banat ng mga Solid Magmahal

Banat ng mga Solid Magmahal

Sa panahon ngayon maraming tao ang nakakaranas  ng pagkalungkot dahil hindi manlang nila kaya umamin sa kanilang gusto. Tunay yung nararamdaman nila. Nais nilang mapansin sila ng kanilang (Crush) ngunit sila ay nahihiya dahil baka dedmahin lang ang kanilang nararamdaman. Para sa kanila, gustong gusto nila na mapansin at malaman ng kanilang iniibig ang kanilang gustong iparating na nararamdaman. Ngunit wala silang maisip na epektibong paraan para mapalapit sila sa mga ito at masabi ang kanilang tunay na hangarin sa kanilang gusto. Nag po-post sila sa social media para lamang tamaan at mapadama sa kanilang mga (Crush) na gusto nila ang mga ito. Pero di nila alam kung natatamaan nga ba ang kanilang mga gusto.

Narito ang ilang mga banat ng mga totoo ang pagmamahal.

Patama,Hugot-Mr.bolero

“Ang hirap bitawan nung tao kahit walang kayo”

Ang hirap bitawan nung taong kahit walang kayo, siya yung taong para sayo ay napaka importante dahil siya yung pumapawi sa mga lungkot na nadarama mo. Sa tuwing may problema ka at di alam ang gagawin isang tawag,text,chat niya lang buo at masaya na kaagad ang araw mo. Para sayo siya yung taong hindi dapat  niloloko at sinasaktan. Siya yung taong dapat sineseryoso at dinadala sa harap ng dambana para pakasalan. Siya yung worth it kapag minahal at makasama habang buhay.

Hugot, Patama-Mr.bolero

Itigil mo na ang paghahabol sa taong di ka “Gusto”

Itigil mo na ang paghahabol sa taong hindi naman kayang suklian ang nararamdaman mo para sa kanya. Sinasaktan mo lang lalo ang sarili mo. Hindi mo kailangang ipilit ang lahat ng gusto mo dahil sa mundong ito may mga bagay talaga na hindi para sa iyo. May tamang tao sayo na mas sasaya ka at makapag bibigay ng totoong pagmamahal at pagpapahalaga  na hindi mo maramdaman sa taong gusto mo. Matuto kang maghintay dahil sabi nga “its always  worth the wait.”

Patama-Mr.bolero

“Ginawa mo man ang lahat kulang parin”

Minsan sa isang relasyon dumadaan talaga ang mga problema na susubok sa tibay ng inyong relasyon. Oo nagkukulang ka minsan. Pero kahit ginawa mo naman ang lahat para mabigay at mailaan ang oras mo sa kanya, nagagawa ka pa rin lokohin. At yun ang pinakamasakit.

Hugot-Mr.bolero

Nagagawa parin nating magkamali at masaktan”

Sa isang relasyon ginagawa mo yung lahat para lang hindi kayo mag hiwalay ng iyong minamahal. Lahat ay sinusunod mo dahil di mo kaya na mawala siya sa buhay mo. Ngunit kahit anong pag-iingat nagagawa parin nating magkamali at masaktan dahil tayo’y tao lamang. Take note na nagkamali man tayo at nasaktan, dito naman tayo maraming natutunan.

Hugot,Patama-Mr.bolero

“Masarap magmahal ng taong totoo ang pagmamahal sayo”

Masarap magmahal ng taong maraming iniisip na paraan para mahalin ka. Napakasarap sa pakiramdam na ginagawa niya ang lahat wag ka lang mawala. Sa kabila man ng maraming pagsubok na sumubok kung gaano mo siya ka mahal ay napaka sarap dahil wala siyang maisip na paraan para iwan ka dahil special ka.

Patama, Hugot-Mr.bolero

“Pag hindi ka mahal ng taong gusto mo”

 Huwag kang mag reklamo kung di ka mahal ng taong gusto mo. Ganun talaga ang buhay. Wala kang magagawa kung hindi tanggapin. May taong mahal ka pero di mo rin sila gusto. May taong nandyan para sayo di mo lang makita kung gaano ka kahalaga sa kanya. Ang hirap lang na mas pinipili natin yung taong alam nating masasaktan tayo.

Patama,Hugot-Mr.bolero

“Sana hindi na lang tayo nagkakilala”

Darating yung araw na masasabi mo sana di na lang tayo nagkakilala. Masasabi mo yan dahil sa sakit na naramdaman mo nung panahong iniwan ka niya. Yung binigay mo lahat ng makakaya mo para maging kayo sa hanggang dulo ngunit di sumang-ayon ang ang tadhana sa inyo.

Patama, Mr.bolero

“Pag konti ang may alam konti ang makiki-alam”

Sa isang relasyon hindi nyo kailangan ipangalandakan na may relasyon kayo o commited kayo sa isa’t -isa dahil sa panahon ngayon maraming mga tao ang mapanghusga sa isang relasyon. Mas mabuting kayo na lang ang nakaka-alam dahil mas makakabuti ito sa panahon ngayon na madaming nakiki-alam na wala namang mga alam.

banat,hugot,patama-Mr.bolero

“Hindi tama na gawing  TANGA ang taong minamahal ka”

Kahit kailan hindi tama gawing tanga ang taong walang ginawa kundi mahalin ka. Dahil binibigay nila ang lahat para lang mapansin mo na totoo at tunay ang nararamdaman nila sayo. Hindi tama na pinapaasa o ginagawa mo lang advantage ang feelings nila. Wag mong laruin ang damdamin ng taong minamahal ka bagkus ay ipaalam mo na kagad sa kanila kung may pag-asa ba sila ng hindi na sila umaasa kung meron ba talaga.

banat,hugot,-Mr.bolero

“Ang Oras ay isang mahalagang elemento sa mundo”

Ang oras ay napakahalang elemento na parte ng ating buhay. Di natin ito mapipigilan ngunit nararamdaman nating unti-unti itong lumilipas. Kapag napakasaya mo parang napakabilis sayo ng araw dahil hindi mo dama ang paligid mo. Mararamdaman mo lang na bumabagal ang oras kapag nalulungkot ka dahil wala ang taong nagpapasaya sayo, na hindi mo nararamdaman ang mga negativities sa mundo na nag da-down sayo upang malugmok ka sa sitwasyon na iyon.

 

Thank you for your time reading this Blog.

 

 

 

 

(Visited 91 times, 2 visits today)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Message *
Name*
Email *