Best Crush Tagalog Quotes And Sayings 2017


“Best Crush Tagalog Quotes And Sayings 2017”

“Ang hirap talaga magka crush lalo na sa katulad nating mga babae. Hindi man lang natin masabi sa mga crush natin kung gaano kalaki ang paghanga natin sa kanila, nahihiya tayo dahil baka kung ano ang sabihin sa atin ng ibang tao. At higit sa lahat, natatakot tayo na baka kung ano ang isipin ni Crush about sa atin kapag nalaman niya”

Best Crush Tagalog Quotes And Sayings 1

“Sir Crush madaling titigan pero mahirap lapitan”

Sa tuwing makikita natin si Crush, kilig much tayo, nag – iiritan pa. pero once na magkatulakan palapit kay Crush, sigurado beast mode nay an

Best Crush Tagalog Quotes And Sayings 2

“Sabi nila Timang daw ako, pero di yan totoo mali bang ngumiti ako pag ikaw ang iniisip ko?”

“Bakit nga sa tuwing naiisip natin si Crush, palagi na lang tayong napagkakamalan na baliw, masama bang ngumiti sa tuwing naalala natin si Crush. Hindi naman siguro masama kung abot – tenga ang ngiti natin. Ibig sabihin lang nun, masaya tayo”

Best Crush Tagalog Quotes And Sayings 3

“Aminin mo, minsan mas madali mong sabihin ang tunay mong nararamdaman sa pabirong paraan”

Sa sobrang manhid kasi ni Crush, pati tayo nahihiya na din magparamdam, kaya minsan, dinadaan na lang natin sa pag jo – joke para ‘di masyadong halata ni Crush. Tamang pahaging na lang, baka sakaling makaramdam

“Pag ang lalaki may crush, pwede nilang ligawan. Pero kapag babae ka, hanggang tingin  ka na lang”

Buti pa ang mga lalaki, okay lang sa kanila kahit umamin sila ng harapan sa Crush nila, kahit kaharap pa ng mga kaibigan, parang wala lang sa kanila ang pag – admit na gusto nila ang isang babae. Samantalang tayo, dadaan lang si Crush, na – coconscious agad tayo

“Ang crush man ay nagbibigay ng Inspirasyon, ngunit nagbibigay rin ito ng Depresyon, lalo na pag hindi ka niya binibigyan ng Atensyon”

Minsan sa sobrang laki ng paghanga natin kay Crush, na – iinspire tayong gumawa ng mga bagay na hindi natin madalas na ginagawa. Nakakapagsulat tayo ng tula, minsan kanta. Nakakaperfect tayo minsan sa exams. Minsan pa nga, blooming na blooming pa rin tayo kahit pawisan. Pero bakit once na makita nating parang wala lang kay Crush yung mga nagagawa natin, bigla na lang tayong nada down, yung akala natin katapusan na ng mundo. Hindi lang tayo pinansin ni Crush, galit na tayo pati sa mga friends natin

“Hooooooy! Dadaan pa ba ako sa inyo? o Didiretso na ‘ko sa Puso mo?”

Sa sobrang manhid ni Crush, kulang na lang na tayo na yung gumawa ng paraan para lumapit sya sa atin. Kailangan pa ba talagang magpapansin tayo para lang tingnan niya? Hindi ba siya talaga marunong makaramdam

Ok lang mahilo ako. Basta gusto ko, Sa’yo lang iikot ang mundo ko

Minsan naiisip na lang natin na, if ever na lapitan tayo ni Crush at hingin ang number natin, e wag ng magpatumpik tumpik pa. isang malaking Oo kaagad yan

“Kailangan pa ba ng norification para malam mong Like kita?

“Mabuti pa yung mga post natin sa social media, nila – like ni Crush. Samantalang tayo mismong nag – post, “please wait…””

“Isa sa pinakamasayang feeling sa mundo ay yung gusto mong titigan ang crush mo pero di mo magawa kasi nakatitig din siya sayo”

Gustong gusto mo syang tingnan at titigan sa mata, pero di ka makaharap sa kanya kasi alam mong tinitingnan ka din niya. Kulang na lang, lapitan ka niya at magsabing liligawan ka, ayyiieeehhh!!!

“Dear Crush, Sa bawat pag – ngiti at pag – tawa mo, hinihiling ko na sana ang dahilan ay AKO

Sa tuwing nakikita nating nakangiti si Crush at tumatawa, palagi na lang tayong nangangarap na sana tayo ang iniisip niya kaya siya masaya

Please like and share kung nagustuhan ninyo. Naghahanap pa ng iba? Wag na kayong mag-alala dahil araw-araw kaming Magpopost ng magaganda at nakakatuwang Quotes and Sayings! Kaya laging Bisitahin ang aming Site for more Kilig at Tawanan! Seeee yeeaahh!

 

(Visited 1 times, 1 visits today)