Best Tagalog Sad Quotes and Sayings – mrbolero.com


Best Tagalog Sad Quotes and Sayings – mrbolero.com

Napakahirap umasa sa mga bagay na hindi natin kung sigurado ba talaga. Hindi natin alam kung makakatayo pa tayo mula sa pagkakadapa, o mananatili na lang na nasa lupa. Sa sobrang sakit kasi ng nararanasan natin, mas gusto na lang nating sumuko minsan. Kung sino pa kasi yung inaasahan natin na dadamay sa atin, sila pa minsan yung nagiging dahilan kung bakit tayo nasasaktan.

Kung bakit ba kasi masyado tayong nagiging Tanga minsan. Hindi na tayo nakakapag – isip minsan kaya pag bumagsak tayo, sobra tayong nasasaktan. Magaling lang kasi sa pangako yung iba, dadaanin ka sa sobrang tatamis na salita, at once na mahulog ka, di ka naman sasaluhin. Masyado kasi tayong umaasa sa mga taong akala natin, sila na talaga. Akala natin mamahalin na nila tayo hanggang tumanda tayo. Sino nga ang hindi nangangarap ng ganoon? Yung makasama mong tumanda yung taong mahal mo, hindi ba sobrang saya kung ganun? Ang problema nga lang, masyado ng maraming manloloko sa panahong ito.


Best Tagalog Sad Quotes and Sayings - mrbolero.com 1

“Ang isang minamahal pag nawala hindi dapat iyakan dahil kawalan mo ay mas kawala niya. Pero wag kang aasa kasi. Hindi lahat ng Umaalis o nang-iiwan ay bumabalik”

Minsan talaga, kahit umiyakka pa ng umiyak, di na talaga sila babalik. Kahit lumuha ka pa ng dugo, di man lang sila lilingon sa kinatatayuan mo. Wala na kasi silang pakialam anuman ang mangyari sayo. Pero wag kang mag – alala, kung alam mo naman sa sarili mo na ginawa mo lahat ng makakaya mo para sa kanya, wala sayo ang sisi. Kung mawala man siya sayo, lagi mong tatandaan na hindi ikaw ang nawalan, sila ang nawalan, bihira na lang silang makakatagpo ng taong magmamahal sa kanila ng todo at handang ibigay lahat para sa kanila.

Best Tagalog Sad Quotes and Sayings - mrbolero.com 2

“Di madaling maghintay, di rin madaling magmahal minsan kala mo siya na. Minsan kala mo ok na pero mamamalayan mo na lang dumaan lang pala siya sa buhay mo para saktan ka”

“Napakahirap kasi sa isang tao ang maghintay, nakakainip talaga lalo na kung sobrang tagal bago dumating. Pero mahirap din magmahal ng seryoso lalo na kung di mo alam kung totoo yung nararamdaman nya para sayo. Umaasa ka ng sobra kasi akala mo sya na, tapos magugulat ka na lang bigla na may iba na syang kasama at masaya na sya sa iba. Napakahirap tanggapin na maling tao pala yung pinag – alayan mo ng buong oras mo.”

Best Tagalog Sad Quotes and Sayings - mrbolero.com 3

Nakahanap na ako ng bago magkamukha nga kayo eh mas malambing siya sayo at mas mabait at di ako pinapaiyak kaso lang may problem. mas mahal pa rin kita.

Minsan lang kasi tayo kung magmahal ng seryoso. Kaya minsan kahit iniwan na nila tayo at ipinagpalit sa iba, sila  pa natin yung iniisip natin. Maghanap man tayo ng kapalit niya, hinahanap hanap pa rin natin yung taong minahal natin dati. Kaya sa halip na maka move – on tayo, lalo lang tayong nasasaktan. Mahirap kasing basta – basta na lang kalimutan yung taong, pinag – ukulan natin ng panahon at pag – mamahal na sobra – sobra pa sa inaakala natin na kaya nating ibigay.

Bakit pag may gusto tayo kailangan iwanan natin yung iba para lang makuha yun? pero pag      andyan na, saka mo lang malalaman na yung taong iniwan mo ay minsan na ring iniwan ang lahat-lahat sa buhay para lang sayo

Lagi talagang nasa huli ang pag – sisisi, hanap pa tayo ng hanap kahit mayroon na tayo. Nag – dedecide tayo kaagad agad kasi akala natin, magiging mas masaya tayo dun sa bagong dumating sa buhay natin. Iiwan natin lahat sa buhay natin para lang mapasaya siya, kahit yung mismong minamahal natin, iiwan natin, kasi akala natin, mas magiging okay kung yung bagong dating na lang sa buhay natin ang pag – uukulan natin ng pansin. Pero sobrang sakit malaman na kahit na anong gawin natin, mas importante pa din yung taong iniwan natin kaysa dun sa ipinalit natin. Na kagaya natin, iniwan din lahat ng importante sa kany mapasaya lang tayo, pero binale wala lang natin at naghanap tayo ng iba.

“Masakit magmahal pag binigay mo lahat..kahit alam mo walang darating na kapalitpero mas masakit magmahal pag pinaasa ka nya na mahal  ka nya tapos sasabihin sayo na. Sorry ayaw ko na.”

Bakit ba sa tuwing nagmamahal tayo, binibigay natin lahat? Dahil ba sa ayaw nating maranasan na iwanan ng mahal natin? Yung kahit magmukha na tayong tanga sa mata ng ibang tao, wala na tayong pakialam, bigay – todo tayo magmahal at hindi na natin iniisip kung ibabalik man nila yung nararamdaman natin para sa kanila. Kaya once na iwanan na nila tayo, di na natin alam kung ano ang gagawin natin. Kasi pakiramdam natin, naisahan lang tayo. Matapos nating ibigay lahat lahat, iiwan lang pala tayo.

“Diba masakit pag iniwan ka dba masakit pag niloko ka diba masakit pag pinaasa ka pero diba mas masakit pag pinaniwala ka na mahal ka niya kahit na may mahal pala siyang iba”

Ano nga ba ang pinakamasakit? Yung iniwan ka, niloko ka o pinaasa ka? Hindi ba’t masakit maranasan lahat yan? Pero mas masakit maramdaman yung matapos ka nyang papaniwalain na mahal ka niya, pinapaasa ka lang pala kasi meron na siyang iba. At wala ka man lang magawa kasi alam mong ginawa ka lang niyang pang palipas oras habang hindi niya kasama yung talagang mahal niya. Ang sakit, di ba?

Ang sakit isiping mahal kita pero mahal mo siya. mas nasasaktan ako pag nalalaman ko na malungkot ka at wala akong magawa kundi sabihing “Kung akin ka lang di kita gaganyanin”

Bakit nga ba may mga taong patago kung magmahal? Ayan tuloy, sa halip na maging atin sila, sa friend – zone lang tayo nakakarating. Gustohin man nating tayo ang mahalin nila, wala na tayong magawa kasi taken na sila. At sa tuwing nasasaktan sila, wala tayong magawa kahit gustong gusto nating gumawa ng paraan para mapangiti sila. Kaya sa huli, wala tayong ibang magawa kundi isiping, “sana akin ka na lang.

Minsan di sapat na mahal mo ang isang tao, at alam mo na mahalaga ka para sa kanya, kase bago ang lahat.. dapat alam mo ang pinagkaiba ng mahal sa mahalaga lang.

Marami kasing pagkakaiba ang salitang mahal at mahalaga. Minsan kahit alam nating mahalaga tayo para sa isang tao, hindi pa rin natin sigurado kung mahal ba talaga nila tayo. Sa panahon kasi ngayon, mas mabilis pang magmahal ang mga bilihin kesa sa mga taong nakapaligid sa atin. Kaya alamin muna natin kung gaano talaga tayo kamahal ng isang tao at kung paano niya tayo pinahahalagahan bago tayo magmahal ng lubusan.

Mahirap makipaglaban sa bagay na alam mong talo ka, wala kang magawa kundi hayaan na lang, tumahimik, hanggang ilayo sayo ang taong pinakamamahal mo. Dun mo maiisip na “Sana di ko na lang siya nakilala, di sana ako nahihirapan ng ganito

Kung hindi lang sana tayo naging duwag nung una pa lang, hindi na sana tayo dumating sa point na hanggang kaibigan na lang tayo ng taong mahal natin. And worst kung ibilang ka pa nya sa mga best friends nya. Mahirap ng ipaglaban ang nararamdaman mo sa kanya dahil alam mong wala kang kahit na anong karapatan sa kanya. Kaya iniisip mo na sana hindi mo na lang siya nakikilala para di ka na nasasaktan. Pero hindi dapat ganun, tandaan mo na may dahilan kung bakit nangyayari ang isang bagay.

“Masakit pag ininsulto ka, masakit pag ginago ka, mas masakit pag sinabihan ka na mahal naman kita eh kaso mas mahal ko siya oh diba ginago kana ininsulto ka pa”

May mga tao kasing hindi muna pinag – iisipan ang mga gagawin at sasabihin nila sa atin. Kaya kahit nasasaktan na nila tayo, wala pa din silang pakialam, hindi nila nararamdaman na nasasaktan na pala nila tayo. Manhid na kasi sila pagdating sa atin. Nakahanap na kasi sila ng bagong ipapalit sa atin, kaya masaktan man tayo, wala na sa kanila. Di na kasi tayo kabilang sa mundong ginagalawan niya.

Bago tayo magpasya sa isang bagay, pag – isipan muna nating mabuti kung may masasaktan ba tayo. Hindi kasi natin alam, baka sa sobrang saya na nararamdaman natin, meron na palang umiiyak sa tabi natin. Hindi lang natin napapansin kasi sobrang busy tayo sa bago natin. Huwag tayong mag – paasa. Isipin natin kung ano ang nararamdaman nila. Sabi nga, ilagay mo muna ang sarili mo sa sapatos nila bago ka magsalita kung bakit ganoon ang nararamdaman nila.


Maraming salamat sa inyong pagbisita sa aming BlogSite! Bitin pa din ba kayo sa inyong nakitang mga magagandang Quotes and Sayings? Wag na kayong mag-alala dahil marami pa itong kasunod kaya lagi stay tuned sa mga Quotes na aming Ipopost! and also Please like us on facebook mr.bolero.com and Share! Thanks!

(Visited 1 times, 1 visits today)