Bolero Lines 2019

blog

Bolero Lines 2019

Bolero lines 2018

AAng bolero lines ay likha ng mga taong may malawak na kaisipan, kung saan madali nilang napapadama ang nais nilang ipadama sa isang lalaki o baba. Ngunit karamihan sa mga mabulaklak manalita ay ang mga lalaki… Bakit? sila yung naniligaw ei siyempre need nila ng way para sagutin sila… Para maipadama ang pagmamahal nila sa taong kanilang hinahangaan o gusto. By the way nagprepare ako ng 40 bolero lines kung saan makakatulong sa mga kalalakihan man o kababaihan na nagnanais ipagtapat ang kanilang nadarama sa patula o sa makatang pamamaraan.

 

bola2

  • Sa dinami dami ng Book sa mundo, isa lang talaga ang diko maintindihan. “Ang ti-Book ng puso ko para sayo.

Tiyak ng kikiligin yung taong sasabihan mo ng ganito kasi ang aklat madali lang yang intindihin kasi babasahin at uunawain mo lang yung kanyang nilalaman pero yung tibok ng puso mo para sa taong gusto mo ay napakahirap nyang intindihin. Pwedeng gusto mo lang sya, pwedeng crush lang at pwede din mahal mo na. Di natin agad agad malalaman kung ano ba talaga ang nararamdaman natin para sa isang tao.

bola3

 

 

  • Kung magiging superhero ako, hindi ako si Superman, hindi rin si Batman. Kundi si I’m your Man.

Napakaganda nitong banat na toh at sigurado akong mapapangiti at kikiligin si ate girl na sinabihan mo nito. Kung babasahin mo muka syang baduy pero sa babae magmumuka kang gentleman. Iparamdam mo sa kanya na kahit sino pa mang superhero yan kapag napasayo na yung taong mahal mo, lahat ng bagay magagawa mo maingatan mo lang sya.

 

bola4

  • Kung sa gitara maririnig mo ang musika, dito sa puso ko maririnig mong MAHAL KITA.

Sure akong kikiligin yung taong sasabihan mo nito. Alam naman natin na masarap pakinggan ang tunong ng gitara, mapapakanta ka at mapapasabay ka sa himig nito pero kung ang ipapakinig mo sa kanya ay yung puso mo na sinasabing mahal mo sya, walang magandang musika ang mas hihigit dito. Maaaring madala mo sya sa ibang mundo at tyak na mamahalin ka rin ng taong sinabihan mo nito. Maghintay ka lang na ipadinig din nya sayo yung sinasabi ng puso nya na mahal ka na din nya.

 

bola5

  • Alam mo hindi naman ako mayaman para bilhin ang kahapon, pero handa akong utangin ang bukas makasama lang kita maghapon.

Walang kayamanan ang kayang bilhin o ibalik ang kahapon pero may kakayahan tayong baguhin ang ating hinaharap kung pagsisikapan natin ito sa kasalukuyan. Handa tayong sumugal para lang makasama natin ang taong mahal natin kahit sa isang buong araw lang. Walang estado ang pagmamahal, kahit mahirap ka o mayaman kapag nagmahal ka lahat pantay pantay na. Kaya hanggat may pagkakataon pa ngayon, gumawa kana ng paraan para makasama sya dahil di natin alam ang takbo ng buhay. Wag tayong umasa sa hinaharap kasi maaaring bukas o mamaya wala na sya sa piling mo kaya ngayon pa lang pilitin mo ng makasama yung taong mahal mo.

 

bola1

  • Wag mo na itanong kung sino ang gusto ko, baka madulas pa ako at ikaw ang masabi ko.

Isa tong banat na toh ang pinaka nagustuhan ko kasi kapag sinabi mo toh sa taong gusto mo parang inamin mo na din sa kanya na gusto mo sya. Mabibigla sya sa ginawa mong pagamin at maaaring kiligin yung taong sinabihan mo. Napakalakas ng dating nito lalo na kung paseryoso mo tong sasabihin.

(Visited 136 times, 1 visits today)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Message *
Name*
Email *