Bolerong Wasak


Bolerong Wasak

Hindi naman porket bolero ang isang lalaki hindi na sya nakakaranas masaktan, hindi naman kasi lahat ng bolero manloloko mas marami parin yung bolerong seryoso. Example yung mga lalaking yung girlfriend lang nila ang binobola, at nilalalmbing, masasabi mo bang manloloko ang bolerong to? Kung marunon g siya makontento sa isa? Bibigyan ko kayo ng sampong Quotes na mas magpapakilala sa mga bolerong marunong makontento.

Bolerong Wasak

1 “Pag puso ang pinairal TANGA. Kapag utak HINDI KA naman MASAYA.”

Minsan nakakalito na nuh? Mga kabolero… hindi na alam kung alin talaga ang susundin kung ang puso ba o kung ang isip… ang hirap nga lang kasi pag puso lang pinairal pag sa time na niloloko ka nalang habol kappa ng habol kahit hindi ka naman pinapahalagahan, pag isip naman oo ok ng yung kalagayan mayaman ka parang perpekto yung relasyon na meron ka.. ang tanong nga lang Masaya kaba? Kaya nga mas maganda kung pipili ng partner gamitin pareho ang isip at ang puso… kung magmamahal magtira ng para sa sarili, isipin kung sya naba talaga. Eto kasi talaga yung the best hindi man mayaman pero kontento, hindi man perpekto ang relasyon ang mahalaga mahal niyo ang isa’t isa..

 

2 “Kapag ba kumain ako sa Mcdo makakamove-on na ako?”

Ang pagmomove on naman mga kabolero hindi lang yan basta basta… hindi ka basta makakamove on ng dahil lang natulog ka pag gising mo di mo na sya mahal, kumain ka, nabusog ka inilabas mo hindi mo na sya agad mahal, nakalipas lang ang buong araw hindi mo na sya mahal. Hindi ganun.. walang ganun mga kabolero… Kung tunay na minahal mo ang partner mo hindi ganun kadali.. mahirap kalimutan ang mga pinagsamahan niyo, yung masasayang moments na magkasama kayo, yung unang nagkakilala kayo, yung mga kwentuhang kayo lang nagkakaintindihan at mga moments na hinding hindi na mauulit kahit kalian.

Bolerong Wasak

3 “Kahit na gaano ka pa kapogi darating parin yung time na iiwan ka parin”

Sa love relationship kasi hindi itsura ang basehan kapag may kalandian ng iba iiwan kana niyan, este kapag hindi kana mahal iiwan kana 😀 mga kabolero advice ko lang yung mga partner niyo pagingatan at pahalagahan niyo, para di dumating yung point na magsawa, mapagod at iwan kayo. Be a real man not a Fuck man 😀 hahaha

 

4 “Sa isang relasyon, huwag masyadong kampante kahit pa sabihing mahal ka niya, dahil ang tao pag hindi nakuntento iiwan ka panigurado.”

Ang Halaman kahit pa gaano kalago kung hindi didiligan paaarawan inshort aalagaan… malalanta yan mga kabolero.. Ganun din sa relasyon kung hindi aalagaan ang ating mga partner baka malanta yan este baka magsawa yan, baka humanap ng kaligayahan sa iba at iwan ka. Tapos maghahabol kung kelan wala na ayaw na, sawa na? wag ganun… kapag asayo pa pahalagahan alagaan at huwag pabayaan kung iwan ka man wala ka pagsisisihan kasi wala ka pagkukulang.. if ever na iwan ka pa rin siya na ang may kasalanan dalawa lang ang maaring dahilan… malandi sya or Makati sya HAHA

Bolerong Wasak

5 “Porke ba hindi makatingin sa mata sinungaling na agad? hindi ba pwedeng kinikilig kasi muna?”

Minsan may mga pagkakataong iniisip niyo mga girls na nagsisinungaling sa inyo partner niyo kasi hindi sila makatingin ng deretso sa inyo. Huwag agad sila pagdudahan, akala niyo kasi kayo lang mga babae ang kinikilig.. May oras kasing kapagnakikita nila yung girlfriend nila ang sarap kasi sa pakiramdam na nagseselos girlfriend mo hindi dahil nageenjoy kang nakikitang ganun sila kundi dahil nakikita nila kung gaano sila kamahal nito. Bakit magseselos ba si girlfriend kung di nila mahal si bf? Kaya nakakakilig naman talga yung moment na Makita ni pogi sig f na nagseselos.

 

6 “Ang tunay na lalaki hindi ka iiwan kahit anong mangyari. Hindi yung iiwan ka kapag walang nangyayari.”

Mga kabolero ang tunay na bolero hindi nangiiwan ng babae want to know why? Ok… ganito kasi yan mga kabolero… una nananahimik si girl dumating ka nanligaw ka. Ikalawa hindi ka naman ganun kaclose nung una nangulit ka parin hanggang mapalapit loob niya sayo.. tapos nung sinagot kana iiwan mo? Ano yun pumitas ka ng bulalak para itapon mo lang? lakas trip mo ahhh…

Bolerong Wasak

7 “Hindi ako magseselos sa lalaking lalalandi sa  kanya. bukod sa alam kung mahal niya ako, may tiwala ako sa mukha ko.”

Ang tunay na bolero marunong magtiwala sa kanyang partner… hindi dahil sa pinapabayaan niya yung partner niya na landiin ng iba kundi dahil sa may tiwala ito na siya lang ang mahal ng partner niya… Di ba ang sarap sa pakiramdam na may tiwala sayo ang partner mo, na ganun kalaki ung pagmamahal niya sayo na hindi niya pagdududahan yung sinabi mong mahal mo siya… at naniniwala siyang hindi mo siya ipagpapalit sa iba.

 

8 “Masasabi mo bang matakaw ako kung pati ang pride ko nilunok ko para sayo?”

Bihira nalang sa mga lalaki ang kayang lunukin ang pride nila para sa taong mahal nila kaya girl kung pipili ka ang piliin mo bolerong loyal hindi bolerong fuck boy… Hindi ba napakasarap sa pakiramdam mga girls kung si boyfie kaya isurrender ang lahat para sayo? Ganyan kaming mga Bolerong loyal maasahan at mamahalin mo talaga.

Bolerong Wasak

9 “Masarap magmahal ng taong maraming iniisip na  paraan para mahalin ka.. at walang maisip na dahilan para iwanan ka!”

Mga kabolero kayo ba ito? Ako aminado ako na ako ito kaya single ako hanggang ngayon ei 😀 char lang… Kung hahanap ka ng magiging future hubby mo make sure na siya ito… yung tipong hindi ka iiwang nagiisa yung tipong kahit nahihirapan na hindi naghahanap ng dahilan para iwanan ka kundi ang parating iniisip ay kung paano lalong magiging matatag ang inyong relasyon.

 

10 “Ang lalaki may kanya-kanyang uri ng kagwapuhan. nasa babae nalang kung paano nila maa-appreciate.”

Sa totoo lang wala naming taong pangit kasi sabi sa biblia tayo ay nilikha ng Diyos  ayon sa kanyang wangis, kaya magtaka ka kung pangit ka  alamin mo na kung sino lumikha sayo 😀 joke lang… Lahat naman talaga may kanikaniyang  itsura… sa ugali lang nagkakatalo.. kapagpangit ugali mo ei di pangit ka… kapag mabaet ka edi mabaet ka… pero minsan ang sakit lang talaga mga kabolero…  mabait ka naman, ginawa mo na naman lahat para sa kanya tapos iba parin ung gusto niya… Ganun naman talaga wala sa itsura yan… kasi ang puso hindi matuturuan kung sino ang dapat mahalin…

(Visited 1 times, 1 visits today)