Buhay May Trabaho – Pumasok Quotes and Sayings


“Pumasok Best Tagalog Funny Jokes Quotes and sayings”

Para to sa mga nagtatrabaho sa tuwing pumapasok kayo ay ano nga ba ang mga ginagawa ninyo maging sa pagpasok pa lamang ninyo ng trabaho 🙂 Marami sa ating na e-stress sa kanilarang trabaho, tinatamad, kung ano-ano lang ang ginagawa o naghihintay matapos ang oras para maka out na diba? haha Kung nagtatrabaho ka na siguradong makakarelate ka sa mga funny and jokes na hatip namin para sa inyo! Enjoy!

Pumasok Best Tagalog Quotes and Sayings 1
“Pamasok na stress ayun umalis”

Di natin naiiwasan na ma stress sa ating trabaho lalong lalo na kung malapit na ang deadline ng pinapagawa sayo o kaya naman ay nahihirapan nating gawin ang mga ito, nakakatawa lang ding isipin kung nababasa mo to at lalong lalo na kung nakakarelate ka ay tiyak na matatawa ka na lang. Haha yung feeling na hindi muna makayang kontrolin yung stress na binibigay sayo ng iyong trabaho kaya ayon umalis na lang para makapag isip ng tama 🙂 haha

Pumasok Best Tagalog Quotes and Sayings 2

“Pumasok, Nagdownload, Umuwi”

Minsan mo na ring ginawa to diba? Di ka pa ba aamin haha pero deep inside alam kung ngumingiti kana kasi nga alam mo sa sarili mong minsan o baka kadalasan mo tong ginagawa 🙂 Pero ok lang yan haha basta wag na wag ka lang magpapahuli LOL! Sa tingin ninyo kung hindi niyo pa to nagawa o di ninyo to gagawin pano kayo yung ibang kasamahan ninyo sa inyong trabaho? Napaisip ka no? Kung baka ginagawa na nga din nila to at ikaw lang ang di nakakaalam haha. Kaya para patas magdownload kana din pero dapat pagtapos ng work at hindi sa time na work maawa ka naman sa nagpapasahod sayo 🙂 haha

Pumasok Best Tagalog Quotes and Sayings 3
“Pumasok ng bagong ligo, umuwi din ng bagong ligo”

Haha wag na wag mong itatanggi yan sa iyong sarili na minsan na yang nangyari sayo. haha yung feeling na parang ang malas mo dahil ayun nga naligo kana ng umaga tas pagtapos ng trabaho pagod tas maliligo ka ulit hindi dahil sa gusto mo dahil sa kailangan haha. Hindi naman sa puntong mabaho ka kundi baka maubusan ka na ng sasakyan 🙂 dahil gabi na at walang masyadong dadaang mga sasakyan dahil kunti na ang pasahero 🙂 Pero minsan ninyo na ring ginusto diba lalo’t kung ang kasabay mo pa pag uwi ay si crush 🙂 O wag ng itanggi haha kinikilig na yan dahil naaalala niya yung mga masasayang moment sa pag uwi habang umuulan 🙂

Pumasok Best Tagalog Quotes and Sayings 4

“Pumapasok para may pang gastos, Gumagastos para makapasok”

Super relate much! Yung feeling na ginagawa mo na ang lahat para sa trabaho mo, yung tipong patin pagpunta pa lang dun sa lugar e kailangan mo na talagang mag effort at gumastos hay nako! Buhay trabahador nga naman! Sa bagay kahit naman si Boss ninyo diba? Ganun di ang gagawin o at least patas lang kayo 🙂 haha yung magiging ipon mo sana para may pangbili kang damit at kung ano-ano pa e sa pamasahi napupunta! HUSTISYA! haha pero ganun talaga at wala na tayong magagawa dun kaya ang mapapayo ko na lang sa inyo gawin ninyo ang lahat ng best niyo para dagdag sahod na kung saan yun na lang yung gagastusin mo para makapasok haha brainy 🙂

Maraming salamat sa patuloy ninyong pagsuporta at sa patuloy paring na pagsuporta! Gusto nyo pa ba ng mas nakakatawa at mas nakakatanggal lumbay? Araw-araw lang bumisita sa aming Blogsite para sa mga bago at latest ng post namin at syempre wag na wag kakalimutang bumisita din sa aming FB Page na mrbolero.com 🙂 then Please Like and Share Thank You!

(Visited 1 times, 1 visits today)