Di Na Natuto


title (1)

Di Na Natuto- sapagkat sanay ka nang paulit-ulit na masaktan . Sanay ka nang paulit-ulit na umasa at aasa pang muli.

.

.

Para ito sa mga tunay na nagmamahal…. Mabuhay tayong lahat.. Yes.

——————————————————————————————————————————————–

1. Matuto Kang Sumuko Kapag Nasasaktan Ka Na Sobra. Minsan  Kasi Ginagago Ka Na, Kinikilig Ka Pa.

Kung misan kasi, di man natin aminin sa ating sarili ehhhh kapag gustong-gusto talaga natin ang isang tao may mga pagkakataong isinasakripisyo nating ang ating sariling kaligayahan para lang makita natin syang masaya. Yan kasi. Kaya marami ring nag-iisip na “dahil mapagbigay ka naman” ehhh okey lang din na magloko sya dahil na rin masyado mong pinaparamdam na sya lang ang lahat sa’yo at hindi mo makakayang mawala sya sa buhay mo….Hindi rin naman masamang humindi ka kahit minsan lang.

Skateboard Ka Ba:

2. Skateboard Ka Ba? Kasi Kahit Nasasaktan Mo Ko, Di Pa Rin Kita Kayang Iwan.

Ang pagibig nga naman hahamakin ang lahat……ahmmmm manakit ka man. Ang tunay na pag-ibig, di naman yan nakukuha ng mabilisan. Kung minsan konting tiyaga  at pasensya ang kailangan. Bakit nga ba me’ mga taong baliw na baliw sa kanilang mga syota,  asawa o kahit ka-live-in partner sa buhay. Ang sagot, wagas na pag-ibig na kung makakahanap ka ehhhh……swerte mo na.

malabo

3. Malabo: Minsan Mata, Minsan Ikaw.

Bugtong-bugtong. Napapakiramdaman, Naririnig ngunit hindi mo makita kailanman. Ang sagot, hangin. Iyan ka. Bakit ba ang hilig-hilig mong tumingin sa iba, nagbibingi-bingihan, at kung minsan naman ay pinagtataguan pa ako? Hahaha, yan ang ibig sabihin ng iba kapag yung tipong, ginawa mo na ang lahat ng alam mong paraan para maparamdam mo sa kanya na sya lang at wala ng iba pero ayun, di pa rin sya sigurado sa nararamdaman nya para sa’yo.

4. Sabi Mo, “Laro Tayo.” Akala Ko Surfing. Yun Pala, Feelings.

Hindi dahil kayo na ehhh kayo na nga talaga. Yun pala napilitan lang sya dahil ikaw lang naman ang bestfriend nang “gusto nya talaga”.

5. Mabuti Pa Ang Saging May Puso. Ikaw Wala. Wala.

Di naman po ito yung literal na puso kung hindi yung pakiramdan ng isang tao sa kanyang kapwa. Kaya’t di natin dapat ipagwalang bahala kung ano man ang nararamdaman ng ating kapwa. Malay mo inaantok na pala sya tapos kwento kapa ng kweto tulog na pala kakwentuhan mo…..

6. Malapit Na Christmas. Exchange Gift Tayo Gusto Mo? Akin Ka Tapos Sa’yo Ako.

Para lang ito sa mga tunay na nagmamahalan. Kapag nagmahal ka, sya lang at wala nang iba at sana ikaw rin lang at wala nang “marami” pang iba..

7. Pwede Ba Kitang Maging Driver? Para Ikaw Na Magpatakbo Ng Buhay Ko.

Masarap sanang pakinggan ngunit hindi rin naman laging totoo. Mahirap din naman lagi na  lang sya ang masususnod.

8. Lumabo Man Ang Mata Ko, Mananatili Pa Ring Malinaw Ang Pagtingin Ko Sa’yo….

Masasabing ang tunay na  pag-ibig ay yung tumatagal hanggang sa huling hininga ng mga nagmamahalan. Kahit ano mang pagsubok ay kanilang malalampasan hangga’t magkasamang nagdadamayan.

9. Multo ka ba? Ghost-O kasi kitang maging parte ng buhay ko…..

Wag kang matakot na sabihing mahal o gusto mo sya. Ang mahalaga nasabi mo.

10. Dictionary ka ba? Kasi you gave meaning to my life.

Kung sino man ang minamahal at nagmamahal sa’yo. Siya rin ang magpaparamdam sa’yo nang lahat ng pakiramdam sa mundo.

 

(Visited 1 times, 1 visits today)