Gitaristang Bolero


Ang Gitaristang Bolero ay para sa mga taong hindi kayang masabi ang kanilang mga tunay na nararamdaman kung kaya’t dinadaan nalang nila sa pagpapatawa at pa joke na paraan.

mrbolero.com: Gitaristang Bolero 1

  1. Gusto kong hawakan ang kamay mo gaya ng paghawak mo sa kamay ko.

    Masaya ako kapag hiinahawakan mo ang kamay ko ng napaka higpit at gusto ko ring hawakan ang kamay mo kasabay ng paghawak mo. Wala ng sasaya pa sa dalawang taong nagmamahalan na sabay na pupuntahan ang ibat ibang lugar nang magkasama at mag kahawak ang kamay.

  2. .Pangiti ngiti lang ako pero nahuhulog nako sayo

    Yung feeling na ngumingiti nalang ako para itago ang tunay na nararamdaman ko para sayo. Yung sumasabay nalang ako ng pagtawa para hindi mo pansin na nahuhulog nako sayo. Mahirap pigilan pero kailangan.

  3. Mas masarap mainlove kapag alam mong kaya kang saluhin

    Hindi sa lahat ng pagkakataon na kapag mahuhulog ka ay may sasalo sayo. Pero mas mahirap mahulog kung alam mong hindi ka nya sasaluhin. Babagsak ka ng sugat sugat at luhaan. mrbolero.com: Gitaristang Bolero 1

  4. . I want you to be mine, not now but soon.

    Okay lang kahit hindi ka maging akin ngayon atleast alam ko na sakin ka sa tamang panahon. Okay lang na hindi kita makasama now basta tayong dalwa ang magkasama sa ating sabay na pagtanda. Ganyan naman talaga diba? Kaylangan nating maghintay na dumating ang right time para magkasama ang simpleng ako sa isang katulad mo.

  5. Piliin mo yung taong handang hawakan ang kamay mo anuman ang sitwasyon.

    Siya kasi yung taong handang iparamdam sayo na kahit hindi na maganda ang nangyayari hinding hindi ka niya bibitawan. Sya yung mananatiling nadiyan sa oras ng kasiyahan at kalungkutan. Siya yung sasama sayo kahit ano man ang mangyari sa buhay mo.

  6. Tara samahan moko sa Lab. Lets take you and me to make a new us

    Sa totoong buhay, hindi mo pwedeng yayain ang isang tao para lang maka gawa ng isang relasyon. Tandaan hindi mo masasabing mahal mo sya sa isang iglap lang. it takes time.  kahit hindi kayo pumunta sa Lab pwede pa rin kayo maka gawa ng tayo na masasabi nyo.

  7. . I’m not a photographer, but I can picture me and you together.

    Hindi man ako magaling na taga kuha ng litrato, isa lang ang masasabi ko, kaya kong kuhanan ang sandal na magkasama tayo. Kahit mahirap kaya basta para sa taong mahal mo diba? Mas masarap sabihing worth it ang mga pinag hirapan. mrbolero.com: Gitaristang Bolero 1

  8. . I like her but I can’t tell her.

    “ I like her but I can’t tell her” yan yung madalas sabihin nang mga taong takot na aminin ang kanilang tun ay na nararamdaman. Oo maraming magsassabi na dapat hindi torpe pero anong magagwa natin diba? Sa takot silang umamin e, siguro may kanya kanya silang rason kung bakit sila takot. Lets just say na takot lang silang mareject, o kaya naman mas gusto lang nilang itago para hindi masira yung kanilang pinagsamahan. Well, nasa tao naman yan e.

  9. Sarap sa piling ng may kasama ka no? pero mas masarap kung ako ang kasama mo

    Sabi nga nila no man is an island,kaya kailangan nating makahanap ng makakasama para maka survive sa buhay at maging masaya. Pero mas masaya kung ang kasama mo ay yun gmga taong mahal mo diba? Wala ng mas sasaya pa sa pakiramdam na iyon.

  10. Sana page navigation kana lang. you know why? Para sana magkaroon ako ng pagkakataon na dagdagan ang isang simpleng ako ng isang special page na katulad mo to provide a consistent one.

    Ang page navigation ay isang pahina kung saan maari kang magdagdag ng isa pang page para maka buo ng consistent set. Parang sa love, kailangan ng ikaw at ako para magkaroon ng matatawag na tayo. 

     

    For all those people na walang sawang sumusubaybay sa mga updates naming, thank you so much po.  Keep on reading here at Gitaristang Banatero as we have more features that you can relate to. God Bless guys.

(Visited 1 times, 1 visits today)