Iba’t ibang Klase ng BoyFriend


Iba’t ibang klase ng boyfriend

Sa panahon ngayon alam nating maraming kabataan ang maagang nagkakaroon ng relasyon at minsan pa nga ay nauuwi sa maling desisyon. Pero talakayin naman natin ang iba’t ibang uri ng boyfriend meron ka. Kung saan nga ba sila napabibilang sa mga ito. Alamin kung ano-anong uri ang meron ng inyong boyfriend! Sana mag enjoy kayo sa inyong mababasa!

BoyFriend Quotes

“Bed King”

“Sila yung usong uso ngayon! Dahil alam naman natin ang salitang fuck boy diba? Ayun dun yun sa kanila nagmula yjng gusto lang magka jowa para maka score ng 3 to 100 points tas pag nagsawa na hahanap ulet ng ibang ring para maka score! Ganyan naman sila e Dibali ng buaya basta’t sa kanya lahat ng points.”

“Pastor Ely”

“Itong klasing boyfriend naman na ito ay sila yung hindi makapabasag pinggan, dahil sila yung sobrang bait at marunong romespeto sa mga kababaihan hindi katulad ng iba na pababayaan lamang. Sila din yung sa sobrang bait e aakalain mo na lang na pastor dahil sa sobrang banal at bait. Pero diba mas maganda pa din yung may kunting badboy kasi nga daw minsan sa sobrang bait ng lalaki e na boboring na din yung ibang babae dahil mahirap minsang ma approach ito.”

“Crisostomo Ibarra”

“Sila yung boyfriend na parang prof. mo na rin dahil sa sobrang talino. Yung feeling na kayang kaya niyang gawin yung thesis nila mag isa pati idadamay na din yung sayo para di ka mahirapan. Yung kahit hindi kana magpapatulong sa assignment mo sa kanya pero kukunin pa din niya dahil maning mani lang sa kanya at pang palipas oras lang. Saludo kami sayo!”

Boyfriend Quotes

“Commander Robot”

“Mga boyfriend na sobrang seloso, over protective at paladikit sa kanyang girlfriend. Yung tipong ayaw na ayaw niyang may ibang kausap o ibang magpapasaya sa kanyang girlfriend kundi siya lang. Oo nga siguro sa ibang punto mali yung ganun pero diba kung di naman ganun ang inyong boyfriend di nyo mararttamdaman ang kanyang pagmamahal?”

“Coco-Loco”

“Sila yung mga boyfriend na iba ang dating, heartthrob, gwapo at parang pagkasama niya yung girlfriend niya e sasabihin na lang ng ibang babae na “andiyan na si crush kaso kasama yung katulong niya” Dahil sa sobrang gwapo at gusting gusto ng ibang kababaihan e pati ang girlfriend nila e parang napag iiwanan”

“Uto-Uto”

“Kailangan pa bang e-explain ito? Haha. Sila yung mga boyfriend na medaling maloko at maisahan sa maraming bagay. Yung parang daig na yung tanga kung magmahal sa sobrang daling lokohin. Example “Isang lingo mo pa lang siyang boyfriend pag humingi ka ng pera magbibigay agad kahit hindi pa kayo nagkikita at sinagot mo lang siya sa text” haha diba?”

BoyFriend Quotes
“James Bond”

“Sila yung klase ng mga boyfriend “the chickboy”, talagang mahilig at di nila maiwasan na mangbabae kahit na ang kanilang girlfriend ay pak na pak na sa ganda ay wala pa din. Sa medaling salita basta’t may babaeng nakikita ang kanilang status e “Single” na ready to “mingle” ”
“Mr. Easy Go Lucky”

“Naku ito yung mga boyfriend na tiyak na maiinis ka dahil sila yung mga walang paki alam sa buhay yung tipong malapit na ang exam e parang wala pa din para sa kanila dahil nga pa easy – easy lang sila. Kahit pangaralan mo sasabihing meron pa naming next year at pweding balikan yung mga subject na maaari nilang bagsak.”

“Economesta”

“Sila yug mga boyfriend na nasobrahan sa salitang praktikal dahil sa sobrang kuripot pati sa inyong date ikaw pa nag gaganstos at kahit dun sa mga oras na ang lakas niyang magyaya pero ang pag andiyan na yung kailangang bayaran e tsaka siya tatahimik at parang walang naririnig yung tipong ipaparamdam niya sayo na ikaw dapat magbayad dahil syempre nakakahiya naman kung siya magbabayad diba? Dahil baka isipin niyang piniperahan mo lang siya pero sa totoo baka ikaw na.”

“Salawahan”

“Basic! Sila lang naman yung mga klase ng boyfriend na kung mag girlfriend e hindi lang dalawa kundi tatlo o kung minsan e apat pa! dahil meron nga silang kasabihang “pag iniwan ka ng girlfriend mo dapat may reserbang isa pero mas makasisigurado ka kung mas marami pa” hahaha wala e may mga ganyan talagang mga lalaki!”

Maraming salamat muli sa inyong pagbisita sa aming BlogSite upang magbasa at matuwa sa mga kakaibang mga Quotes and Sayings na tiyak na makakukuha ng inyong pagtingin! Please Like us on Facebook Mr. Bolero.com and Share! Thank You!

(Visited 1 times, 1 visits today)