Iba’t ibang Uri ng Facebook Profile Picture


 

 

Sa paglago ng populasyon sa Facebook, madami rin tayong napapansin sa mga gumagamit nito, mayroong iba’t-bang uri ng Facebook Profile Picture isa ka rin ba dito?

 

Funny

 

  1. The Idol ng Foreign- Sila yung kapag nagpalit ng profile picture may nagcocoment na Arabo “beautiful women”, “very sexy”, “ beautiful darling”. Lt
  2. The Half Face- Sila naman yung mga kalhati lang ng mukha ang kita, madalas sila yung mga pango.
  3. The Side view pose- tulad sa number 2, madalas sila yung mga pango, isa rin kasi itong way para tumangos ang ilong mo ng di nagpapaBelo, gawain din to ng mga siopao face, nakakapayat din tingnan e.
  4. The Fake Conservative- yung nagpapalit ng dp na kita  ang kaluluwa tas tatakpan ng sticker. Lalagyan pa ng caption na “ Please Respect”, ano kayang trip nito.

funny

 

5. The Rotten Dp- Sila naman yung mga dp ay napaglipasan na. Pangmatagalan kung baga. Madalas 2 years na yung picture di pa nagpapalit.

6. The Paso- Sila naman yung mga nilamon na ng snapchat, yung puro flowercrown, mukha ng paso.

7. The Poser- Sila yung Kathryn Bernardo, James Reid, Lee Min Ho, ang profile picture. Idol nila e.

8. The Pala-comment sa own DP- yung imemention sa profle picture nya lahat ng kanyang friends, tas pag may nag react, magcocomment ng “oh! sad bes”, “pala puso ka bes”, Happyng happy bes”, “salamat sa like”.

therepeater

 

 

9. The Repeater- yung pag nakita mong “ Kurdapya change her Profile picture” pero yun parin yung picture nya last year, paulit ulit para makadami ng likes.

10. The Chatter/Texter- yung magchachat sayo, magpapalike lang pala ng Dp nya, minsan pa maggugulat kana lang magpapalike ng Dp nya di mo naman kakilala.

11. The FLAT- yung profile picture nyang mukhang nakatalikod, pero nakaharap talaga. Peace.

 

Thank for reading. Look for more interesting blogs from mrbolero.com.

(Visited 1 times, 1 visits today)