Music Hugot Lines

blog

Music Hugot Lines

Sa panahon ngayon, ang pagmamahal ay napakahirap ng matagpuan. Ang ibang tao ay pilit nila itong hinahanap kaya ang kinalalabasan nito ay kasakitan. Kumpara dun sa matiyagang nag-aantay ay nakakatagpo ng magmamahal sa kanila ng tunay. Sabi nga nila ang pagmamahal ay hindi hinahanap kase kusa itong dumadating sa tamang panahon.

mrbolero.com: Music Hugot Lines - featured image

“Unang araw palang ay minahal na kita”

Classmate – Hambog ng Sagpro Crew

Ito naman yung klase ng pag-ibig na tinatawag na love at first sight. Ang mga ganitong pangyayari ay madalas sa High School. Ang high school kase ang puno ng mga first, first crush, first love , first broken heart at napakarami pang iba. Ito yung malakas ang loob mong kausapin sya kapag sa chat pero kung sa personal na ay halos hindi na makalapit. Para bang dito na umiikot ang kanilang mundo, sya lang ang tanging nakikita.

 

“Sana sinabi mo para di na umasang meron parin tayo sa huli”

Sana – I Belong to the Zoo

Ito yung mga tao na walang ibang gawin kung ang mag paasa. Yung magpapakita ng affection tapos kapag na fall na yung isa ay aayawan na, sila yung magaling lumandi pero di naman kayang panagutan kapag nagkahulugan na.  pasasayahin ka nila tapos kapag dumating na yung hinihintay nila ay bigla na lang silang maglalaho na parang bula na para bang walang nangyari sa inyo.

 

“Pero para sayo ako’y magbabago kahit mahirap”

Para sa’yo – Parokya ni Edgar

Sila yung klase ng tao na bad boy o bad girl kung tawagin pero nang panain sila ni kupido ay wala na silang nagawa. Pinipilit nilang magbago para sa kanilang mga mahal upang lubos sila nitong tanggapin. Kahit na ano mang hirap ang danasin nila ay kakayaninin nila ito. Wala bagay ang makakapigil sa kanila basta sa mga taong gusto nila.

 

mrbolero.com: Music Hugot Lines - featured image

“See me waiting for you in corner of the street”

The Man Who Can’t be Moved- The Script

Ito naman kahit ano man ang mangyayri ay maghihintay padin. Abutin man sya nga ilang araw, lingo, buwan kahit taon ay gagawin nila dahil mahal nila ang tao na yun. Handa nilang isakripisyo ang kanilang oras para sa tao na iyon.

 

“Pag kasama ka, lungkot limot ko na”

Pag kasama ka – Gimme 5

Ito naman yung pagiging masaya tuwing nasa tabi mo sya at feeling mo ay di mo kakayanin kapag nawala sya. Siya ang nagpapaalis sa mga lungkot mo. Makita mo lang sya ay napapawi na ang iyong pagod.

 

“Im right here when you realize that im your cure”

Heartbreak Girl – 5 seconds of summer

Ito naman yung mahal mo ang isang tao pero alam mong meron na syang iba. Kaso lang sinasaktan sya nito kaya nandyan ka upang pagaanin ang kanyang loob, pataawanin at iba pa. Pilit syang kinukumbinsi na sana ikaw na lang at hindi na lang siya dahil mas maalagaan mo sya at mamahalin ng sobra.

 

“My love for you was bulletproof but you’re the one who shot me”

Bulletproof Love- Pierce the Viel

Sila yung klase ng tao na sasaktan ka ng patalikod. Para ka nilang sinaksak ng ikaw ay hindi nakaharap. Ito yung mahal na mahal mo sya pero hindi mo alam na pinapalitan kana pala. One day ay magugulat ka nalang na meron  na syang kasamang iba, diba ang sakit.

 

“Mahal mo sya eh ang tanong ay mahal ka rin ba nya?”

“Lagi mong tatandaan”- Parokya ni Edgar

Ito ang klase ng pagmamahal na tinatawag na one sided love. Ito yung tipong isa lang ang nagmamahal at yung isa naman ay parang wala lang. ang halimbawa na lang nito ay ang hindi na nya pag effort sayo o nakakalimut na sya sa mga   mahahalagang araw nyong dalawa. Napakahirap kung makakaranas ka ng ganitong klase ng pag ibig kase hindi mo alam kung saan ka lulugar at kung ano ang gagawin maibalik lang yung dati.

 

mrbolero.com: Music Hugot Lines - featured image

Sila yung mga nafall sa mga malapit nyang kaibigan o bestfriend. Sino nga ba naman ang hindi mahuhulog kung ang bestfriend mo ay napaka ganda at napakabait pa. Merong mga kwento na nagiging masaya dahil nagiging sila ng bestfriend nila kaso meron naming na friendzoned. Yung hanggang kaibigan na lang talaga ang label at hindi na pwedeng tumaas pa.

 

“Mas kayang masaktan paminsan minsan,wag ka lamang mawala ng tuluyan”

Ok lang ako – Parokya ni Edgar

Ito naman yung sa sobrang pagmamahal, nagiging martir na ang isang tao. Alam na nga nilang may ginagawang kalokohan ang kaniyang partner ay patuloy parin nya itong pinapatawad kase nga mahal daw nya ito at siguradong magbabago pa ito.

 

Maraming salamat sa pag bisita sa website na ito at sana napasaya ko kayo sa ginawa kong blog.

(Visited 69 times, 1 visits today)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Message *
Name*
Email *