“PA-TAGONG PAG-HANGA”

blog

“PA-TAGONG PAG-HANGA”

Hanggang tingin na lang ba talaga ako sa’yo?

Puma-pagibig

Naranasan mo na bang humanga? Yung tipong gusto mo nang lagi s’yang nakikita, nakaka-usap at nakakasama. Kaso nahihiya ka, kaya hanggang tingin ka na lang.

Nangarap lang naman akong maging akin ka rin, pagdating ng panahon. Yung tipong nasa akin lang naka-tutok yang paningin mo, Yung tipong sana puro ako ang sinasambit ng mga labi mo, Yung tipong segu-sigundo, menu-minuto, oras-oras ako ang hinahanap-hanap mo.

Ganon ba talaga ako ka mahiyain pagdating sayo, yung tipong papalapit ka na pero mas pinili kong umiwas at tumakbo palayo sayo, dahil sa dala ng kabog ng dibdib ko na akala mo ay tinatambol. At sa tuwi’ng lalapit ka at may itatanong ka sa akin na mas pipiliin kong mautal sa sobrang pagka-taranta. Yung tipong lalapit ka pa lang sakin at magdidikit ang ating mga balat na ang hatid ay kuryente sa buong katawan ko.

Puma-pagibig

Puma-pagibig

Ganon nga siguro talaga, pag-humahanga ka sa isang tao yung halos wala ka nang mapag-lagyan tuwa, kilig at kaba kapag s’ya na ang harap mo. Enjoy reading 🙂 Godbless!

(Visited 50 times, 1 visits today)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Message *
Name*
Email *