Pamata Sa Mga Lalaki – Tagalog Banat Quotes


Patama sa Mga Lalaki – Tagalog Banat Quotes

Sa panahon natin ngayon, nakabuntot na sa pagiging lalaki natin ang mga salitang “player”, “playboy”, at “fuckboy”. Marami sa atin ang nasasaktan tuwing naririnig natin ang mga salitang ito, at marami rami din naman sa atin ang natutuwa at ipinagmamalaki pa sa kanilang mga kaibigan na sila ay kasama sa mga nataguriang “fuckboy”. Take note, mga ka-bulugoy, “fuckboy”, at hindi “MANLOLOKO”. Talaga nga naman. Nakakalungkot mang isipin, pero sadya yatang napakalaki na nang ipinagbago ng mga kalalakihan natin ngayon kumpara noon.

At dahil dito, naisipan ko’ng isulat ang munting kaisipan ko’ng ito, para sa inyong lahat.

Pamata Sa Mga Lalaki - Tagalog Banat Quotes 1

Ang lalaki bantayan mo man yan o hindi, kung talagang tapat siya at mahal ka niya, hinding hindi yan magpapalandi sa iba.”

“Tandaan n’yo lagi yan mga girls. At kayo naman mga boys, kailangan pa ba talaga kayong bantayan para lang hindi kayo sumide – line? Alalahanin ninyo na bilang lalaki, kayo dapat ang gumagawa ng paraan para hindi masira ang tiwala sa atin ng babaeng mahal natin. Kung may naglalandi, e ‘di layuan, problema ba ‘yun?

Pamata Sa Mga Lalaki - Tagalog Banat Quotes 2

Ang karelasyon, iginagalang at pinapahalagahan. Hindi ‘yung binibilang at pineperahan.

Tumpak!!! ‘Yun ‘yun e. IGINAGALANG mga kapatid, PINAPAHALAGAHAN. Ginagawa mo ba yun, brods? Huwag ka kasing magbibilang, kung gusto mong magbilang, umupo ka sagilid ng kalsada at magbilang ng dadaan. ‘Yun na lang gawin mo brod, para maging kapaki pakinabang ka sa bansa. Saka wag mong perahan ‘yung chicks mo, ‘wag na ‘wag mo silang itutulad sa mga naging syota mong bading. (No offense po)

Pamata Sa Mga Lalaki - Tagalog Banat Quotes 3

Wag kang mangako kung di mo kayang PANINDIGAN. Mas mabuti ng sabihin na SUSUBUKAN kaysa magpaasa ng LUBUSAN.

“O ayan brods ha? Ang pangako ay dapat na tinutupad at pinapanindigan. Huwag mong basta na lang itapon o ipako sa kung saan. Sabi nga d’yan o, mas mabuti pa’ng sabihin na susubukan kaysa mangangako ka at paaasahin mo lang ‘yung tao. At saka, bilang lalaki, dapat mayroon tayong isang salita mga brods. Kung may sinabi ka, gawin mo. Huwag kang paasa, ‘di ba mga girls?”

Pamata Sa Mga Lalaki - Tagalog Banat Quotes 4

Puson lang ang may karapatang manakit sa babae.

Tama yun, Sir. Dat’s tru. Kagaya nga ng laging sinasabi ni Pader sa simbahan, “Ang mga babae ay nilikha mula sa tadyang ng mga lalaki, upang mahalin. At hindi sa ilalim ng paa upang tapak tapakan.” O, kitams? Sabi sa’yo e, hayaan mo na lang kasi sila nung puson niya na magkasarilinan. Eextra ka pa e, ha?”

Pero walang biro, bilang lalaki, nilikha tayo para mahalin at protektahan ang mga babae at dapat maintindihan natin yun. Lagi nating isa – puso, isa – isip, at ipakita natin higit sa lahat sa gawa.”

Pamata Sa Mga Lalaki - Tagalog Banat Quotes 5

Mahal mo AKO, mahal mo S’YA. Ano to, BUY 1 TAKE 1?

Remember boys, isa lang puso natin. Palagi nating isipin na ang mga babae ay hindi ginawa para maging paninda sa mga ukay – ukay at grocery stores na p’wede nating bilhin ng may discount. That is definitely, a big
NO!!!
Isa –isa lang mga kapatid. Ikaw ba, gusto mo ba na dalawa kayong boyfriend ng babaeng minamahal mo? Siguro naman HINDI, hindi ba?

Maraming salamat sa Pagbisita at sa Pagsuporta ninyo simula nung una hanggang ngayon. Marami pa kaming Epopost kaya laging Tingnan ang aming Blogs para sa mga magagandang Quotes and Sayings na tiyak ninyong magugustuhan! 🙂

At wag kalimutang i-like kami sa facebook mrbolero.com | Please Like and Share Thank You!

(Visited 1 times, 1 visits today)