Patama Love Quotes Para Sa Mga Umasa


Minsan sa pag-ibig kung kailan tayo nagsisiryoso dun pa tayo naloloko. Kaya sana bago tayo magmahal ng totoo siguraduhin muna na masusuklian ang pagmamahal na ibibigay o ipapadama sa kanila, para hindi na tayo umasa at masaktan pa.

Patama Love Quotes Para Sa Mga Umasa 1

“Mahirap maging perfect sa taong mahal mo. Nagbago ka dahil sa kanya, nagpakababa ka dahil din sa kanya, pero ang masakit tapat ka na sasaktan pa.”

Kahit na ibinigay mo na ang lahat sa kanya hindi pa rin maiwasan na masaktan ka. Nawawalan sya ng tiwala sayo kahit tapat ka kasi malay mo hindi mo alam ganun ung gingawa nya kaya sya walang tiwala.


Patama Love Quotes Para Sa Mga Umasa 2

“Minsan kahit alam mong masasaktan ka lang, Andiyan ka pa rin, Naghihintay at umaasang may magbabago pa.”

Kung mahal mo talaga ang isang tao kahit alam mong masasaktan ka, itutuloy mo parin kasi umaasa kang baka sakali magbago pa sya o mababago mo sya.


Patama Love Quotes Para Sa Mga Umasa 3

“Ang hirap bitiwan nung taong siya yung nagpapasaya at kumukumpleto ng araw mo.”

Mahirap talaga kapag sa piling nya dun ka sumasaya kahit sabihin na hindi kayo. Kasi pagdating ng oras hahanap-hanapin mo sya kapag lumayo na at dun mo maiisip na sa panahong iyon inlove kana sa kanya.


Patama Love Quotes Para Sa Mga Umasa 4

“Mahal ko sya, hindi ko lang piniling ipaglaban, dahil alam kong mas magiging masaya sya sa pling n iba.”

Hindi maling magmahal kaya lang kailangan mong maging handa para pagdating ng oras hindi nyo masaktan ang isat-isa. Dapat isipin mo rin kung magiging maligaya ba sya kapag naging kayo na.


Patama Love Quotes Para Sa Mga Umasa 5

“Maaaring hindi ikaw ang unang minahal ko, pero masisiguro ko na ikaw na ang huling hahawak nito.”

Tiwala ang pinaka mahalagang sandata sa pag-ibig. Kaya kapag nagmahal ka siguraduhin mo muna kung sya talaga bago ka magtiwala.


Patama Love Quotes Para Sa Mga Umasa 6

“Piliin mo yung paiiyakin ka sa kakatawa, hindi yung taong paiiyakin ka tapos siya yung tatawa.”

Maraming umaasa dahil sa mali yung napili nila. Para sakin normal na yun lahat kasi ng nagmamahal nagpapakatanga kaya hindi rin maiwasang umasa.


Patama Love Quotes Para Sa Mga Umasa 7

“Madali lang naman iwasan yung taong gusto mo, mahirap lang talaga iwasan yung nararamdaman mo.”

Mahirap pigilin ang feelings kaya namn hanggat maaga ipagtapat mo na sa kanya, para hanggat maaga alam mo na para pagdating ng huli hindi kana masaktan pa.


Patama Love Quotes Para Sa Mga Umasa 8

“Sana hindi dumating ang oras na maawalan ako ng panahon sayo, dahil ayokong maramdaman mo ang nararamdaman ko sa tuwing binabalewala mo ako.”

Minsan dumarating ang oras na hindi na natin maintindihan ang isang relasyon kung wala ng time ang iast-isa.


Patama Love Quotes Para Sa Mga Umasa 9

“Minsan hindi mo na kailangan tanungin sa kanya kung mahal ka nya, kasi sa paraan pa lang nag pa-trato nya malalaman mo na.”

Kapag dumating ang oras na nararamdaman mo na parang nagaalinlangan ka, lagi mong ipaalala sa kanya na hindi sya nagiisa, baka kasi may problema lang sya na hindi nya masabi sayo.. ikaw din baka humanap sya ng iba, dba!…


Patama Love Quotes Para Sa Mga Umasa 10

“Yung paulit-ulit na karanasan ay may dahilan. ito ay para turuan tayo sa mga bagay na paulit-ulit nating hindi matutunan.”

Dapat matuto na tayo sa ating unang pagkakamali, parang sa pag-ibig dapat hindi mo na gagawin ung ginawa mo sa ex mo dun sa present mo lalo na kung yun ang naging dahilan ng paghihiwalay na ex mo.

(Visited 1 times, 1 visits today)