Best Tagalog Sad Quotes and Sayings – mrbolero.com Napakahirap umasa sa mga bagay na hindi natin kung sigurado ba talaga. Hindi natin alam kung makakatayo pa tayo mula sa pagkakadapa, o mananatili na lang na nasa lupa. Sa sobrang sakit kasi ng nararanasan natin, mas gusto na lang nating sumuko minsan. Kung sino pa kasi yung inaasahan natin na dadamay sa atin, sila pa minsan yung nagiging dahilan kung bakit tayo nasasaktan. Kung bakit ba kasi masyado tayong nagiging Tanga minsan. Hindi na tayo nakakapag – isip minsan kaya pag bumagsak tayo, sobra tayong nasasaktan. Magaling lang kasi sa pangako yung iba, dadaanin ka sa sobrang tatamis na salita, at once na mahulog ka, di ka naman sasaluhin. Masyado kasi tayong umaasa sa mga taong akala natin, sila na talaga. Akala natin mamahalin na nila tayo hanggang tumanda tayo. Sino nga ang hindi nangangarap ng ganoon? Yung makasama mong tumanda yung taong mahal mo, hindi ba sobrang saya kung ganun? Ang problema nga lang, masyado ng maraming manloloko sa panahong ito. “Ang isang minamahal pag nawala hindi dapat iyakan dahil kawalan mo ay mas kawala niya. Pero wag kang aasa kasi. Hindi lahat ng Umaalis o nang-iiwan ay bumabalik” “Minsan talaga, kahit umiyakka pa ng umiyak, di na talaga sila babalik. Kahit lumuha ka pa ng dugo, di man lang sila lilingon sa kinatatayuan mo. Wala na kasi silang pakialam anuman ang mangyari sayo. Pero wag kang mag – alala, kung alam mo naman sa sarili mo na ginawa mo lahat ng makakaya mo para sa kanya, wala sayo ang sisi. Kung mawala man siya sayo, lagi mong tatandaan na hindi ikaw ang nawalan, sila ang nawalan, bihira na lang silang makakatagpo ng taong magmamahal sa kanila ng todo at handang ibigay lahat para sa kanila.“ “Di madaling maghintay, di rin madaling magmahal minsan kala mo siya na. Minsan kala mo ok na pero mamamalayan mo na lang dumaan lang pala siya sa buhay mo para saktan ka” “Napakahirap kasi sa isang tao ang maghintay, nakakainip talaga lalo na kung sobrang tagal bago dumating. Pero mahirap din magmahal ng seryoso lalo na kung di mo alam kung totoo yung nararamdaman nya para sayo. Umaasa ka ng sobra kasi akala mo sya na, tapos magugulat ka na lang bigla na may iba na syang kasama at masaya na sya sa iba. Napakahirap tanggapin na maling tao pala yung pinag – alayan mo ng buong oras mo.” “Nakahanap na ako ng bago magkamukha nga kayo eh mas malambing siya sayo at mas mabait at di ako pinapaiyak kaso lang may problem. mas mahal pa rin kita.“ “Minsan lang kasi tayo kung magmahal ng seryoso. Kaya minsan kahit iniwan na nila tayo at ipinagpalit sa iba, sila pa natin yung iniisip natin. Maghanap man tayo ng kapalit niya, hinahanap hanap pa rin natin yung taong minahal natin dati. Kaya sa halip na maka move – on tayo, lalo lang tayong nasasaktan. Mahirap kasing basta – basta na lang kalimutan yung taong, pinag – ukulan natin ng panahon at pag – mamahal na sobra – sobra pa sa inaakala natin na kaya nating ibigay.“ “Bakit pag may gusto tayo kailangan iwanan natin yung iba para lang makuha yun? pero pag andyan na, saka mo lang malalaman na yung taong iniwan mo ay minsan na ring iniwan ang lahat-lahat sa buhay para lang sayo“ “Lagi talagang nasa huli ang pag – sisisi, hanap pa tayo ng hanap kahit mayroon na tayo. Nag – dedecide tayo kaagad agad kasi akala natin, magiging mas masaya tayo dun sa bagong dumating sa buhay natin. Iiwan natin lahat sa buhay natin para lang mapasaya siya, kahit yung mismong minamahal natin, iiwan natin, kasi akala natin, mas magiging okay kung yung bagong dating na lang sa buhay natin ang pag – uukulan natin ng pansin. Pero sobrang sakit malaman na kahit na anong gawin natin, mas importante pa din yung taong iniwan natin kaysa dun sa ipinalit natin. Na kagaya natin, iniwan din lahat ng importante sa kany mapasaya lang tayo, pero binale wala lang natin at naghanap tayo ng iba.“ “Masakit magmahal pag binigay mo lahat..kahit alam mo walang darating na kapalitpero mas masakit magmahal pag pinaasa ka nya na mahal ka nya tapos sasabihin sayo na. Sorry ayaw ko na.” “Bakit ba sa tuwing nagmamahal tayo, binibigay natin lahat? Dahil ba sa ayaw nating maranasan na iwanan ng mahal natin? Yung kahit magmukha na tayong tanga sa mata ng ibang tao, wala na tayong pakialam, bigay – todo tayo magmahal at hindi na natin iniisip kung ibabalik man nila yung nararamdaman natin para sa kanila. Kaya once na iwanan na nila tayo, di na natin alam kung ano ang gagawin natin. Kasi pakiramdam natin, naisahan lang tayo. Matapos nating ibigay lahat lahat, iiwan lang pala tayo.“ “Diba masakit pag iniwan ka dba masakit pag niloko ka diba masakit pag pinaasa ka pero diba mas masakit pag pinaniwala ka na mahal ka niya kahit na may mahal pala siyang iba” “Ano nga ba ang pinakamasakit? Yung iniwan ka, niloko ka o pinaasa ka? Hindi ba’t masakit maranasan lahat yan? Pero mas masakit maramdaman yung matapos ka nyang papaniwalain na mahal ka niya, pinapaasa ka lang pala kasi meron na siyang iba. At wala ka man lang magawa kasi alam mong ginawa ka lang niyang pang palipas oras habang hindi niya kasama yung talagang mahal niya. Ang sakit, di ba?“ “Ang sakit isiping mahal kita pero mahal mo siya. mas nasasaktan ako pag nalalaman ko na malungkot ka at wala akong magawa kundi sabihing “Kung akin ka lang di kita gaganyanin” “Bakit nga ba may mga taong patago kung magmahal? Ayan tuloy, sa halip na maging atin sila, sa friend – zone lang tayo nakakarating. Gustohin man nating tayo ang mahalin nila, wala na tayong magawa kasi taken na sila. At sa tuwing nasasaktan sila, wala tayong magawa kahit gustong gusto nating gumawa ng paraan para mapangiti sila. Kaya sa huli, wala tayong ibang magawa kundi isiping, “sana akin ka na