“Top 10 Love quotes version 2.0” Sa pag-ibig maraming suliranin sap ag-ibig maraming happy moments ei kasi nga kung walang kulay ang inyong relasyon aba magisip isip kana, kung mahal kaba talaga niya o mahal mob a talaga siya. Lahat naman may kaniya kaniyang status sa buhay pag-ibig ei may umaasa, may pafall, may taken, may single at may nagmumukang tanga. Sino ng aba talaga ang tanga, yung nagmamahal o yung kaniyang minamahal? Sino ba talaga ang nawalan yung iniwan o yung nang iwan? “Know what i a’m holding right now? Well, I am holding your heart. Napulot ko, kasi tinapon niya. Pwede akin na lang? Promise, di ko itatapon iingatan ko pa” Sa panahon ngayon karamihan satin ay masyadong demanding mas pinipili yung nagugustuhan lang nila dahil sa panglabas na kaanyuan. Ngunit ipinapakita dito na ang isang taong totoong nagmamahal ay handang maghintay sa kanyang minamahal. Sila yung mga taong handang alagaan ka, mahalin ng tapat , ng walang hinihintay na kapalit at handang tanggapin ka maging sino ka man. “Sabi nila: Mali daw ang magmahal kung maling pagkakataon… maaaring MALI nga sa paningin nila pero nagpapasalamat ako’t nakilala kita” Ang pagmamahal walang pinipiling oras, panahon at edad, hindi mo kayang pigilan ang iyong nararamdaman para sa taong mahal mo, habang itinatago mo ito lalong mas magiging obious ang nararamdaman mo. Ang isang relasyon naman depende sa inyong dalawa kung paano ninyo ihahandle ei ang mahalaga masaya kayo at walang kayong matatapakang iba. “Siguro minsan kailangan nating madapa kasi may mas tamang paraan ng pagtayo, kailangan umiyak kasi di lahat kayang itago ng tawa, kailangan nating masaktan kasi meron pa tayong dapat matutunan.” Hindi lahat ng relasyon perpekto hindi lahat nagwowork, kaya maraming nasasaktan at umaasa. Hindi mo kasalanan kung masaktan ka at maaari din namang hindi rin niya ito kasalanan maybe hindi lang talaga kayo para sa isa’t isa. Maybe it’s a way narin para magging matatag ka sa bawat pagsubok na iyong kakaharapin, para sayo narin upang matuto kang bumangon kahit sa tingin ng iba hindi mona kaya. “Iniisip na naman kita… nakangiti… tumatawa… tama nga sila… na kahit anong mangyare, importante ka sa akin… basta salamat kasi nandyan ka…” Pag nagmahal ka lagi na siyang papasok sa isipan mo, maaalala mo yung mga happy moments mo with him/her at possible rin na magimagine ka na kinakasal kayo, date at iba pang happy moments. Iniisip kasi natin sa love puro happy moments ei pero dapat mapaghandaan din natin ung mga moments na hindi natin inaasahan tulad ng away, tampuhan at higit sa lahat ang break up. “Oo, alam ko na nagkamali ako, pero ngayon alam ko na yon, alam kong iniwan kita, pero matatanggap mo ba ko? Kahit na sobrang sakit ang nabigay ko sayo? matatanggap mo pa ba ako?” Lahat tayo nagkakamali lahat tayo nagkakasala, ngunit dahil ba sa pagkakamali hindi na natin deserve ng second chance? Wala naba tayong karapatang  itama ang ating mga pagkakamali?  Kung ako tatanungin I think deserve ng bawat isa ang second chance ngunit kung uulitin niya pa ang pagkakamaling kaniyang nagawa ibang usapana na yun. Maaaring sinasadya na niya yun or hindi ka niya mahal kaya hindi niya kayang itama ang pagkakamaling kaniyang nagawa. “Minsan ang sinasabi ng isip, iba sa nilalaman ng puso kaya pati damdamin, nalilito! hindi malaman kung alin ang dapat sundin. ang isip na nagsasabi ng dapat? o ang pusong nagmamahal ng tapat?” Minsan sa oras na nahihirapan tayo, yung moment na feel mona susuko kana  nagdadalawang isip kana kung isusuko muna o ilalaban mo pa. I think the better way ay maqgisipisip ka muna kung kaya mo pa o kung masaya kappa, ngunit kung hindi ang sagot I suggest iwan mon a siya much better para sa inyo walang masasaktan ng lubusan at walang aasa ng sobra. “Noon pa lang, tanggap ko na mawawala ka rin tulad ng iba pero bakit hanggang ngayong nandiyan ka pa? Tanong ko lang… MANHID KABA?!” Hindi naman lahat ng tao iiwan ka, hindi lahat ng makakarelasyon mo iiwan kaminsan tayo yung may pagkakamali tayo yung nangiiwan ng walang dahilan at tayo yung gumagawa ng paraan upang kayo ay magkaroon ng tampuhan. “Nasaktan ka ng makita mong kasama ko sya, nasaktan ka ng makita mong masaya ako sa piling niya, nasaktan ka ng malaman mong mahal ko sya, wish ko lang hindi ka na masaktan, kung alam mo lang ikaw talaga yung mahal ko at hindi siya.” Hindi sa lahat ng oras pag may kasama siyang iba kasintahan agad, malay mo naman pinsan lang kapatid o kaibigan hindi lover. Tayo kasi mga tao nakikita palang natin nahuhusgahan agad natin hindi pa natin alam yung katotohanan, may baon na agad tayong ipangsusumbat. Hay naku buhay nga naman kaya hindi umuunlad pilipinas ei joke. “Bakit ang hirap sabihin sa taong mahal mo na MAHAL MO SIYA? simple lang, dahil takot kang malaman na BAKA HINDI KA NIYA MAHAL.” Kung mahal mo talaga hindi ka matatakot sa magiging resulta kung sabihin mo sa kanya, db? Pagba manliligaw ka sasabihin mo agad na mahal mo siya? Diba ang una ask mo muna siya if pwede mo siya ligawan if pwede mo siya makilala ganon? Kaya nga may word na diskarte ei para maiwasang mabasted ka or mareject. “Ang tunay na seryoso hindi agad susuko sa isang relasyon, hahanap muna yan ng solusyon para maayos ulit ang sitwasyon.” Pano masasabing mahal mo siya kung sa simpleng pagsubok ay susuko ka? Paano mo malalaman na ilalaban Karin niya kung ikaw ay aayaw na? ang isang relasyon hindi mabubuo ng walang pagsubok kasi walang bagay sa mundong ito ang hindi dumadaan sa pagsubok. Isa ito sa mga ways ni Lord upang malaman ninyo kung mahal ninyo talaga ang isa’t isa. “Salamat sa patuloy na pagsubaybay sa pinakaaabangang blog site sa Pinas, Lesson learned ba naman yung mga inlove jan, sawi, bitter at iba pa ano man ang status mo para sayo to. Nagustuhan mo ba ang mga quotes na ibinahagi ko sa inyo tungkol sa pag-ibig?