Nakatagpo ka na ba sa buhay mo ng mga taong, pina-asa ka lang, niloko, binola at higit sa lahat walang isang salita. Nakakapagtaka kung bakit may mga taong ganito, siguro iniisip mo din na, ‘Bakit nila nagagawang paasahin ka, lokohin, bolahin?’. Masakit isipin na sumugal ka para sa mga taong ito, nagpaka-totoo ka. Pero sa huli sasaktan ka lang din pala nila. Alam natin lahat na parte ng isang relasyon o pagkakakilala sa isang tao ang masaktan, pero hindi ba’t lahat naman tayo ay tao; may damdamin at nasasaktan din. Deserve din naman siguro natin, hindi maloko o umasa hindi ba?  Lalo na kung wala ka naman ginagawang masama sa kapwa.    Narinig mo na ba ito sa isang tao: 1. Promise, Pangako, Huwag ka mag-alala at Sorry. “Sorry di na mauulit” (Pa-sorry-sorry pa mauulit din naman) “Pangako di kita iiwan.” (Wag magsalita ng tapos.) “Huwag ka mag-alala babayaran ko na yung utang.” (Charot lang) “Promise iintayin kita.” (echoss lang ulit)   Pangako, pangako na pako. Halos lahat satin nakaranas ng mapakuan ng pangako, pinaasa tayo. Yung nag-intay ka at umasa ka, natutuparin niya yun, kaso akala lang pala natin yun. Yung iba naman nangako, pero nauwi din sa salitang ‘sorry at pasensya.’. Bakit nga ba may mga tao, nagbibitaw ng mga salitang hindi naman kaya panindigan, kahit nga ultimo utang di nababayaran sa takdang araw. Nakakatawang isipin na sa panahon ngayon ang mga pangako ay isang mabulaklak na salita na lamang, mga katagang pampalubag-loob. Mahirap makatagpo ng taong tinutupad ang kanyang binibitawan na salita, lalo na mahirap na din basta-basta mag tiwala, kaya kung may kakilala kang totoo sa kanyang mga salita, maswerte ka at kung lagi naman napapako, ang masasabi ko lang sayo. ‘You deserve better.’ 2. Flower Lines “Basta para sayo, ako ay magbabago.” (Charot lang) “Ay? Ang galing mo naman?” (Sarcastic) “Mas gusto ko sayo, maganda ka at matalino ka.” (Iba talaga pag may kailangan) “Mahal! Ikaw lang kailangan ko.” (Everything naman pala si Mahal) “Ang yaman mo naman, libre naman jan oh!” (Parang, sumusuka ng pera ano?) “Sayo lang ang mundo ko.” (Luh, Earth na pala siya, pero mamaya wag ka may iba na)   ‘Some are fake and some are true’, aminin na natin masarap makarinig ng compliment mula sa ibang tao, lalo na kung pinaghirapan mo ma-achieve yun o kaya naman nanggaling sa mga taong mahal mo. Nakaka-positive hindi ba? Na kaka-boost ng confidence. Pero, hindi naman lahat ay sincere. Yung iba jan, let’s say na pinuri ka pero sa likod non’ bina-backstab ka na pala, sinisiraan ka sa iba. Meron pa instances, magsasabi muna yan ng maganda sayo bago humingi ng kapalit. Pinaka- worst sa lahat yung pinaglalaruan lang pala nila damdamin mo pinaparamdam na special ka, mahal ka nila, pero sa huli iiwan ka din pala, sinabihan ka lang talaga niya ng mabubulaklak na salita walang pinagkaiba sa pangako hindi pinanindigan. Kung may kakilala kabang miyembro ng Backstab Girls o kaya Flower Boys, mag ingat-ingat ka na lang, ‘Don’t get to attach’ para walang masasaktan sa huli. Di naman natin sila masisisi, kung ganitong uri sila ng tao. Aminin din natin na gumagamit din tayo ng mabubulaklak na salita, lahat tayo bolero at bolera, nasa atin na lamang kung paano natin gagamitin.   3. Mga Rason “Syempre, wala ka kasi kaya naghanap ako!” (Kawawa ang mga tapat magmahal) “Di ako pwede masama pakiramdam ko.” (Mga basic na linya para sa may ibang plano) “Wag mo nga akong pakialaman! Jowa lang kita.” (Swerte mo concern jowa mo.) “Ginamit lang kita, wag kang assuming.” (Aray…)   Naniniwala ka ba na sa bawat galaw may rason? Halimbawa;  Kumain ka kasi nagugutom ka, natakam ka o kaya naman gusto mo lang talaga dahil matakaw ka. Iniwan mo siya kasi pagod ka na, meron siyang iba/ niloko ka, fall out of love/ dead relationship at etc.   Hindi ba? Nagdedesisyon tayo base sa kung anong rason man ang meron tayo. Pero paano kapag hindi na makatarungan yun rason niya, gumawa siya ng desisyon pansarili niya na hindi man lang iniisip kung sino ang maari masaktan at maapektohan. Madalas nakakagawa tayo ng ganito, kasi halos lahat sa atin ay nauuna ang aksyon bago ang pag-iisip. Kaya nasa huli lagi ang pagsisisi. Pero kung pag-iisipan ng mabuti, ‘selfish’ ba talaga ang nature ng tao? Lagi ba tayo mag-se-seek ng kasayahan, kapalit ng ikakasakit ng damdamin ng iba? Lalo na sa isang relasyon, minsan kapag LDR kayo. Hindi kayo araw-araw nagkikita, maswerte na sa isang buwan kung mag kikita kayo ng dalawang beses. Paano kung dagat at sampung lunsod ang pagitan ninyo? Katwiran bang, ‘Malayo ka o wala ka para maghanap ka ng iba?’ rason na ba iyon para ipag-palit sila sa mas malapit? Naisip mo ba na sana kung hahanap ka din pala ng mas malapit, nakipag-break ka muna? Para sakin ang sakit-sakit non’ kasi napakawalang kwentang rason noon para masira yung relasyon. Paano pa kung kung kapitbahay mo lang jowa mo, pero pinagpalit mo sa malayo. Edi ang katwiran mo na non’ ay ‘Mas better yung malayo, kesa sa jowa mong kapitbahay?’.   Minsan yung mga taong gumagawa halos nito ay yung mga taong masarap i-ngungod, malay mo hindi ba? Mataauhan sila, nakakainis pagnakakilala ka ng mga ganitong tao, para bang pinaparamdam nila sayo na hindi ka sapat, wala kang kwenta, para bang yung naitulong mo sa kanila ay wala lang. Mapapangiti ka na lang ng mapakla, dahil naramdaman mong ginamit ka lang nila pinaglaruan at niloko. Kaya kung ikaw na may kakilala na ganitong ang daming palusot sa buhay, hindi marunong humingi ng tawad at laging pride ang pinapairal. Nasasayo, kung iintayin mo sila magbago o magising ka sa realidad na deserve mo din hindi malunod sa mga rason nilang walang papupuntahan.   Maraming salamat sa pagbabasa, nawa’y nagustuhan mo at nakarelate ka. Kung may mga gusto kang sabihin pwede mo itong ilahad sa comment section sa baba.   Huwag mo din kalimutan tingnan ang iba pa namin mga blogs dito sa Mr.Bolero!