Mangangako ka na lang, wrong spelling pa. Ibalik kita sa elementary dyan, gusto mo? Puro ka pangako, lagi na lang naman napapako. Hindi ka ba nangingilabot pag nagbibitiw ka ng salitang tapos na? Ako na yung nahihiya para sayo. Sana kung ako, ako lang talaga diba? Kaso minsan, hindi ko rin maintindihan kung sinasadya mong magpahalata o hindi ka lang talaga marunong magtago? Alam mo kasi, alam ko kung ako lang o may iba. In your case, sa spelling pa lang ng pramis mo, ekis na. Patulong ka sa dictionary para makita mo ang tunay na kahulugan ng pangako at ng “ako lang”. Huwag magsalita ng hindi kayang panindigan. For more blogs, visit mrbolero.com! Happy reading!
It’s Me, Not You
Alam mo ba ang linyahang, “Hindi ikaw ang problema. Ako.” Gasgas na diba? Hindi ko lubos maisip kung bakit lagi na lang, pag makikipaghiwalay, ang idadahilan ay ang sarili nila. I mean, parang pa-victim yung magiging labas eh sila naman ang nakikipag-split? Kung break, edi break. Mas maganda pang sabihing nagsawa ka na kaysa kung ano-ano pang excuse na nakikita lang naman sa mga napapanood at nababasa. Pag ayaw na, awat na. Wag nang maraming dada kasi nonsense lang din naman ang sinasabi. Sa una lang yan masakit, bro. Para saan pa at makakalimot ka rin lang naman pagdating ng panahon. Stop the excuses. Just tell them why. Wag mo nang bolahin ang mga salita mo. Masasaktan din naman sa huli. For more blogs, visit mrbolero.com! Happy reading!
Galit Ka Na Niyan?
Hindi kita maintindihan. Bakit ka muna magagalit? Ano ba tayo? Enlighten me please. Kumain ka na ba? Pag sumagot ako ng oo, matutuwa ka. Pag sumagot ako ng hindi, magagalit ka. Kung ano-ano sasabihin mo. Ayaw mo kamo ng magkasakit ako, nalilipasan ng gutom, at bakit wala akong gana. Huh? Kakain ako pag gutom ako manahimik ka. Anong suot mo? Pag mukha akong losyang, tuwa mo naman? Pero ikakahiya pag kasama mo na ako. Pag naman naka-porma ako at naka-shorts, mababastos ako? Pero display mo rin naman ako sa labas. Okay ka lang? Tingin mo sakin, kotse? Sapatos? Ikaw yung mukhang paa, eh. Sino yung kausap mo? Marami akong kausap, sino doon? Ikaw nga maraming ka-fling, kinuwestyon ba kita? At isa pa, wala naman tayong label. Aaminin ko, naghanap ako ng kausap, oo. Pero at least ako, pag kausap lang, walang sakalan at paghihigpit na magaganap. Label muna sa atin bago mo ako ma-control. For more blogs, visit mrbolero.com! Happy reading!
HOKAGE
Isa ka rin bang Hokage? In a good way, tho. Hokage ka ba sa lahat ng nacha-chat mo o di kaya sa mga nakakausap mo? Wala naman akong problema kasi walang victim kung walang magpapaloko diba? Pero as a good man, wag mo sanang paasahin kasi hindi sa lahat ng oras mabuti yang ginagawa mo. Chat ka nang chat tapos igoghost mo lang, wag naman ganun. Sana kung isa kang Hokage, dun ka na sa babaeng seseryosohin mo. Wag maging bolero sa mga babae. Dapat binibigyan natin sila ng importansya. Para sa lahat ng mga Hokage, Change for the better. Pag kasi may nagkamaling isa, damay na lahat. Ingat-ingat po tayo, hindi lahat manloloko. For more blogs, visit mrbolero.com! Happy reading!
Study First
Akala nyo ba babae lang ang choosy? Isa ka ba sa mga lalaking ganon? Matamaan ka sana sa mensaheng ito! Natatawa ako dahil sabi nila, babae lang ang mapili. Maarte daw kasi ang taas ng standards pagdating sa babae. Laging sinasabi raw na mag-aaral muna kapag hindi tipo ang lalaki. Hindi ba’t gawain niyo rin iyon? Kunwari pa kayo pero kapag hindi maganda, study first muna kayo? Then after a few months, makikita namin may bago. Babaeng laging laman ng myday mo. Hindi mo nagawa sa amin yun. Bakit? Kasi hindi kami maganda. Ewan ko ba kung bakit naging study buddy mo ata bigla ang tiktok at mas gusto mo siya. Ah alam ko pala kung bakit! Kasi hindi ako maganda tulad niya. For now, study first na muna ako. Yung sa akin, totoo. Sana may matutunan ka dyan sa kalokohan mo. Iba talaga kapag maganda. Lakas ng kapit, kahit pangarap kayang kalabanin. For more blogs, visit mrbolero.com! Happy reading!
Paano Manligaw?
Sa generation at panahon na meron tayo ngayon, paano nga ba manligaw ang isang lalaki sa babaeng kanyang napupusuan, para na rin tanggapin ng kanyang mga magulang. Here are some tips. Flowers? Yes pwede pa rin naman. But not grand bouquets. Long stemmed flowers o hindi kaya naman ay kahit anong halaman na nakalagay sa magandang paso. Alam mo naman ngayon, halaman is the new trend. Chocolates? Yes, di naman siya nalalaos. Pero if ako si girl, mas gusto kong ipagluto mo na lang kami ng family ko o di kaya ay kahit ako lang. Mas practical. May ulam ka na, natikman ka pa. Este yung luto mo pala. Harana? This is not a big deal nowadays. Kantahan mo lang siya araw-araw kahit hindi ginintuan ang boses mo, yung effort at emosyon na binubuhos mo sa bawat kanta, sapat na yon para magustuhan ka rin niya. Expensive gjfts? Kung gusto mo magbigay, hindi ka naman pipigilan. Pero sa panahon ngayon, mas maganda yung mga bagay na may sense. Yung nagagamit at hindi pang-display lang. Luxurious dates? Stroll lang sapat na. Anywhere that makes memories will do. It’s the thought that counts dapat, hindi yung ginastos. Sa panahon ngayon, praktikalan na rin dapat ang pagmamahal. Wag puro sarap at saya, andyan din dapat ang utak kasabay ng ligaya. For more blogs, visit mrbolero.com! Happy reading!