Short story, Para-paraan para tayo ay magkatuluyan. Batukan kita di yan. Girl: Gusto mo ba ako? Boy: Hindi (Umiyak si girl at niyakap si boy) Boy: Hindi mo pa nga ako tinatanong kung mahal kita. (Ngumiti si girl) Girl: Mahal mo ba ako? Boy: Hindi rin kaya pwede ka na umiyak. Girl: ayoko na maghiwalay na tayo. (umiiyak si girl sabay walk-out) Boy: (hinabol ni boy) Hindi kita mahal, kase alam ko sa sarili ko na kulang pa ang salitang mahal dapat mahal na mahal yun ang ibig ko sabihin. Girl: talaga? Mahal mo ako bakit kailangan paiyakin mo pa ako? Boy: kasi ang cute mo po magalit para kang si majimbu.
Tunay ka bang lalaki?
Bilang isang lalaki kung mahal mo talaga ang babae hindi sapat ang salitang mahal lang dapat puro tayo gawa. Dapat alam mo ito Pare, kung magmamahal ka ng matinong babae wag mo iiwan, Papaiyakin at mas lalong wag mo lolokohin yan, una sa lahat nanahimik ang mundo nila tapos bigla ka nalang darating, kukunin ang patingin para lang ma pa saatin tapos sa bandang huli bigla mo nalang lolokohin wag ganun pare, hindi ka matatawag na isang tunay na lalaki kung ang habit mo ay ang paglaruan ang damdamin ng matinong babae, hindi yan inaruga at pinalaki ng mga magulang nila para lang mapunta sila sa kagayang mong walang kwenta lalaki na walang ginawa kundi maghanap ng iba pang babae. Pangalawa wag mo hahayaan magtampo yung taong mahal mo dahil sa bawat minuto at segundo lilipas na hindi kayo magkausap, hindi mo lang alam baka kung saan-saan na napapad ang isipan niyan, nasa tamang hinala lang yan daig pa nakadroga, advance mag-isip, tapos iiyak na akala mo namatayan, hindi kakain na para bang walang pakialam, gagawa pa ng dahilan para kayo ay maghiwalay wag ganun pare suyuin mo agad kung ayaw mo mangunsumi at tumanda ng maaga, ang lalaki never na mananalo sa babae lalo na kung may toyo ang babae ganun sila ka abnormal lahat damay-damay. Wag na wag mo sila bibigyan ng dahilan para iyong pagsisihan hindi mo lang alam sa bawat galaw at salitang lalabas sa iyong mga bibig nasasaktan sila ng paunti-unti ng wala kang kaalam-alam ganun ka kase kahalaga sa babaeng mamahalin mo kaya ingatan mo at pahalagahan para kayo ay tumagal ng pang habang-buhay.
REBOUND
Gano’n ka kabilis, nagsawa At gano’n ka na lang naglaho Na akala mo’y walang nangyari Na kahit man lang magpaalam ay walang pasabi Ganon ba talaga? Yon lang ba talaga ako sa’yo? O hanggang ganito nalang ba talaga ako sa’yo? Walang tumatagal sa taong gagawin kalang panandalian. Kaya dapat, you know our limits dahil ikaw lang rin masasaktan sa huli. Enjoy Reading! Godbless 🙂