Ang pagmamahal ay ang isa sa pinaka nakakalitong damdamin na mararanasan natin sa ating buhay. Sobra ka nitong paliligayahin at sobra ka rin nitong paluluhaiin. Sabi nga ng iba, wag ka nng magmahal kung ayaw mong masaktan. Heto ang isang spoken poetry para sa mga nagmahal.
“HELLO”
Hello ateng napakaganda
Ikaw na nakaupo sa may plaza.
Nung ikaw ay aking nakita
Hindi ka na naalis sa aking isipan
Tatanungin ko sana kung ano nga aba ang iyong pangalan
Kaso tinamanan na naman ako ng aking katorpehan
Sabi ko sa sarili ko: eto na naman si kahiyaan
Pilit na naman nya akong pinipigilan
Bibili ako satindahan ng isang kilong lakas na loob
Para lang ikaw ay malapitan
Pero hinding hindi ako magpapatalo sa nararamdaman kong ito
Kailangang lamangan ng kagustuhan sa aking puso
Eto na nga at lalapit na ako sabay sabing “hello”
Pwede ka bang makilala?
Hindi ko alam ang aking nadarama
Magkahalong saya at kaba
Pero nung sinabi nyang “oo pwede mo akong makilala”
Labis na tuwa ang aking nadama
Nanaginip na ba ako
O talagang inlove na agad ako sayo
Niyayako syang maglakad lakad sa plaza
Kumain kami ng magkasama
Hanggang sa sinamahan ko na syang umuwi
Yun na sigiro ang pinakamasayang araw ko
Tanging sya lang ang nasa puso
Kaso may nakalimutan ako
Hindi ko nakuha kanyang numero
Pero gagawan yan ng paraan ni bolero
Sa facebook ay hinanap kanyang pangalan
Maria Leonora Dapitan
Sabay hit nag friend request
Kinakabahan at tense na tense
Pero napawi ito nung kanyang in accept
Nagmessage ako sayo at sinabing hello
Hi naman ang iyong nagging sagot
Hanggang sa sumapit na ang gabi at ikaw parin ang kausap ko
Humingi sayo ng pabor
Pwede bang makasama ka ulit sa may plaza?
At agad din na syang pumayag
Kinabukasan ay nag handa na agad
Mabilis na kinuha ang plantsa at kabayo
Inihanda ang asul na polo at nag pabango
Maangas na lumabas suot ang pekeng kwintas at pumitas pa ng rosas
Hello maria, bat mo naman masyadong ginandahan
Parang tuloy akong nasa pelikula
Hindi makapaniwala ang mga mata
Sa gandang aking nakita.
Niyaya ko syang umupo at sinimulan ko na ang malupit kong taktika
Ice ka ba? Tanong ko sa kanya
Bakit? Sagot nya
Crush kita, okay lang ba?
Dahil dun siya ay aking napatawa
Nagging ganun ang turingan namin ng mga ilang linggo
At naglakas loob na nga ang bolero
Sa bahay nina maria nya sya nag tungo
Bumili ng tsokolateng tig lilimang piso
Tapos dumungaw sa may bintana bago kumatok
Laking gulat at bigla ko lang nakita
Si maria ay may kayakap dun sa sala
Lalaking maputi at matangkad medyo payat
May sing sing ginto at pilak
Tinananong ko kung sino sya
Nagulat lang ako kala ko libre ka tayo wala tayong problema
Pero sige ayos lang ako at pasensya na
Maglalakad na lang ako papunta sa plaza ng mag isa
Maraming salamat sa pag visit ng site na ito, sana ay napasaya ko kayo sa blog na ginawa ko.