Kung pinanganak kang mahirap, dapat dika mamamatay ng mahirap.
- I was born poor, but poor was not born in me.
Madaming tao ang naghihirap pero di sila gumagawa ng paraan para umangat sa buhay. Ang dapat nating gawin ay magsikap at maging masipag para na din sa ikagaganda ng buhay ng magiging pamilya natin.
- Push yourself because no one else is going to do it for you.
Hindi dapat ibang tao ang gagawa ng paraan para satin. Kung gusto nating magtagumpay sa buhay dapat sa sarili pa lang natin, alam na natin ang dapat gawin. Hindi palaging may ibang tao na tutulong satin. Minsan kelangan natin magsikap sa sarili nating pamamaraan.
- Sometimes later becomes never. Do it now!
Tayong mga Pilipino ay mahilig sa salitang mamaya na kaya kadalasan ang mga gawaing dapat nating gawin ngayon ay hindi na natin nagagawa. Kailangan natin maging maagap, kailangan natin maging masipag. Wag ng ipagpalipas oras ang gawain kasi mahalaga lahat ng nasasayang na oras sating buhay.
- Don’t be afraid to fail, be afraid for not to try.
Wag tayong matakot na magkamali at masaktan kasi part yan ng ating buhay. Matakot ka kung hindi mo sinubukan kasi sa bawat pagkakamali natin, doon tayo may napupulot aral at ito ang kelangan natin para mas maging mahusay na tao.
- A goal without a plan is just a wish.
Kung may gusto kang makamit, magplano ka at gawin mo ito. Hindi yung nangarap nalang tayo ng nangarap pero wala naman tayong ginagawang hakbang para matupad ito.