“AYAW MASAKTAN”,” TAKOT NA MAIWAN” mga parilalang naglalarawan sa mga single na ayaw sumugal sa love meron din naman na “KONTENTO” kontento na magisa dahil prinsipyo nya na mas masaya kung magisa kesa nasa relasyon ka .”MALAYA” salita na naglalarawan din sa mga single kase alam nila at naranasan nila na makulong sa isang relasyon na at inakala nila na magiging masaya sila. “NGSB” at “NBSB” na ang ibigsabihin ay walang “BOYFRIEND”o “GIRLFRIEND” since na ipinanganak sila na ang ibigsabihin din lamang ay mga taong “SINGLE”
Iyan ang ilan sa mga kataga, mga parilala , at mga salita na naglalarawan sa buhay ng isang “SINGLE”na na bubuhay sa mundong ito na nakakasalamuha natin sa araw araw maaaring yan ay kaibigan mo kaklase mo o maaring “IKAW”.
- Hindi lahat ng single malungkot, hindi lahat ng taken masaya.
Hindi lahat ng single malungkot kasi yung iba, mas pinipili nalang na maging single kesa paulit ulit ng masaktan sa taong kanilang miamahal. Marami sa mga nasaktan ang nananatiling single kasi dun nila mas nararamdaman yung saya. Nagagawa nila lahat ng gusto nila ng walang nagagalit o nangengealam. Mas napapaalim ang relasyon sa pamilya at sa mga kaibigan. Walang ibang pinoproblema kundi sarili lamang at higit sa lahat mas minamahal na nila yung kanilang sarili na hindi nya nagagawa nung sya ay taken pa.
Hindi din naman lahat ng taken ay masaya kasi yung ibang relasyon ay hindi na nagiging masaya. Puro problema, puro away, puro sakit nalang ang naidudulot. Madaming nahihirapan at nasasakal, maraming wala ng maramdaman sa kanilang partner. Maraming toxic relationship na kahit yung ibang tao na labas dito ay nadadamay. Hindi porke nasa isang relasyon ka ay masaya kana kasi sa unang pagpasok mo pa lang dito, andun na agad yung mga prblemang dapat nyong harapin. Napakalaking sugal ang ibuhos mo lahat ng iyong pagmamahal sa isang tao.
Kung ano man ang estado natin sa buhay, single man o taken. Palagi nating tatandaan na wag puro puso ang papairalin, kelangan din nating gamitin ang ating utak sa pagdedesisyon.
- Gusto ko lang malaman bakit mo ako iniwan?
Ito ang palaging tanong ng mga taong iniwan ng hindi alam kung ano yung dahilan. Ang hirap isipin, ang hirap manghula kung bakit tayo iniiwan kung gayong alam mo naman sa sarili mo na binigay mo naman yung lahat, minahal mo naman sya ng tapat pero bandang huli iiwan ka na lang nya ng walang sapat na dahilan. Kesyo hindi na sya masaya, kesyo nagsasawa na sya, kesyo hahanapin lang daw nya yung sarili nya, kesyo hindi raw tayo yung para sa isat isa. Ito yung mga dahilang parati nating napapakinggan sa tuwing tayoy iniiwan. Iniisip ko nalang na sapat na ba tong dahilan para akoy iwan o idinadahilan nya nalang ito dahil may gusto syang balikan o baka dahil may bagong ng nagaabang.
Ang masasabi ko lang sa mga taong umaalis nalang ng walang paalam at iniiwan nalang yung puso natin ng sugatan, maaaring sa ngayon nagiging masaya kayo sa mga ginagawa nyo pero darating yung araw na magmamamahal din kayo ng sobra sa isang tao at ipaparamdam din nila sa inyo kung ganu kasakit yung iwan ng walang sapat na dahilan. Ang tanging hiling ko lang para sating mga iniwan, sana dumating yung araw na may makakita ng worth natin at kahit anong mangyari, handa tayong ipaglaban at hinding hindi paglalaruan ang ating puso’t isipan.
- Hindi magiging madali ang paglimot mo sa kanya, kung patuloy mong aalahanin kung paano ka nya pinasaya.
Sobrang hirap kalimutan ng isang taong minahal mo ng lubos at ng isang taong naging dahilan ng pagsaya mo sa bawat araw. Napakadaming masasayang alaala ang naiiwan kapag nawala na satin yung taong ating minahal at isa din ito sa dahilan kung bakit hirap na hirap tayong magmove on. Kada maiisip mo kung panu ka nya pinasaya, kung panu nya iparamdam sayo yung pagmamahal nya at kung panu ka nya pangitiin sa simpleng bagay. Sa totoo lang, nakakapanghinayang talaga kapag naawala na yung binuo nyong masayang samahan na sa kanya mo lang naranasan. Kaya kung gusto mo agad malimot yung sakit, wag mong isipin yung masasayang sandali nyong dalawa. Gumawa ka ng bagay na makakapagpalimot at makakapagpaisang tabi ng lungkot na iyong nadarama. Ang pagmomove on ay hindi minamadali pero hindi din toh dapat tinitirihan. Dapat gumawa ka ng paraan kung panu ka muling sasaya ng hindi na sya ang dahilan.
- Kahit sabihin mo pang matapang ka, kapag iniwan ka ng taong binigyan mo ng halaga, walang duda, HINDI MO KAYA.
Walang taong napapanindigan ang kanilang tapang kapag iniwan na tayo ng taong ating minahal kasi una sa lahat kapag puso na ang nasaktan wala kang magagawa kundi umiyak nalang. Maaaring hindi tayo kayang paiyakin ng ibang tao pero pag yung taong minahal na natin ng lubos ang nanakit, masasaktan at masasaktan ka dahil walang taong matigas, walang taong malakas, walang taong matapang at walang taong matatag kapag nawala na satin yung taong nagiging dahilan kung bakit tayo nagiging matigas, malakas, matapang at matatag para harapin ang mga pagsubok na dadating sa inyong dalawa. Wala kang ibang dapat gawin kundi tanggapin at muling bumangon dahil hindi lang dun nagtatapos ang lahat. Maaaring pinagtagpo lang kayo pero di kayo tinadhana.
- Sanay na akong magisa, sa sobrang saya, ineenjoy ko nalang.
Marami satin ay ineenjoy nalang ang pagiging single kasi mas nararamdaman nila yung saya dito. Mas nagagawa nila yung mga bagay na gusto nilang gawin ng walang nagagalit o nagbabawal. Mas napapalalim ang pakikisama sa mga barkada o mga kaibigan at higit sa lahat mas lumalalim ang relasyon sa pamilya. Mas natutuunan ng halaga ang pagtulong sa ibang tao at mas minamahal nila ang kanilang mga sarili. Hindi sila natatakot na may mananakit ng kanilang damdamin. Walang ibang pinoproblema at walang gaanong stress sa buhay.
Masaya maging single nalang kung paulit ulit ka lang naman sinasaktan ng mga taong binigyan mo ng oras at halaga. Binigyan mo ng lubos lubos na pagmamahal. Mas pipiliin mo talagang maging single nalang kesa papasayahin ka lang ng ilang linggo o buwan pero pagkatapos iiwan ka lang din naman ng luhaan.