-Dahil sa Facebook-
“Naranasan mo na ba ang mainlove dahil sa facebook?”
Isang gabi, habang tutok sa PC tamang scroll lang sa facebook
Biglang naligaw ang aking mga mata, isang babae ang lumitaw
Nakakabighani ang kanyang ganda
At alam mo ba kung sino yun oo ikaw yun, oo ikaw nga.
Ako’y tila nahipnotismo sa iyong ganda
Ako’y agad namang nag friend request wala na tong hiya hiya
Eh kaso ang tanong ko lang ako’y iaaccept mo kaya
Inaccept mo ko at agad akong nagmessege ng “Hi”
Maya maya ay nagreply ka agad
Ako ay kilig na kilig naman
Hanggang sa tumagal ang ating paguusap
At lahat ng tungkol sayo ay alam ko na
Pagkat palagi kang nagkwekwento sakin pag ikaw ang kachat
Hindi akalain na makikilala kita at tila may kakaiba
Na akong nararamdaman alam ko na parehas lang tayo ng nadarama
Pagmamahalan natin nabuo ng dahil sa facebook
Pagibig ay matatag pa sa pinakamatatag
At sa puso ko ikaw lang ang nagiisa na nakatag
Sa status ko mahal ko na babae ang isisigaw
Siya ay ikaw ay ikaw ay ikaw ay ikaw
Dahil sa facebook ay nainlove sayo
Hindi ko hahayaang mag hang o mawalan ng connection
Dahil sa newsfeed ng puso ko ikaw lang ang palaging laman
At ayoko na nang mag logout.