“LDR” mahirap na sitwasyon sa isang relasyon. Dito mo mapapatunayan kung gaano mo kamahal ang isang tao.
“Masarap magmahal ng taong maraming iniisip na paraan para mahalin ka at walang maisipna dahilan para iwanan ka”
Madalas hindi natin maiwasang magsawa sa paulit ulit na ginagawa. Kung talaganag mahal mo ang isang tao gagawa ka ng paraan para mapasaya sya. Kailangan ding mag effort minsan para lang mapasaya sya.
“Pag hindi ka mahal ng gusto mo, huwag kang magreklamo! Kasi may mga tao ring mahal ka, pero hindi mo rin naman gusto diba?”
Wag feeling ehm, minsan, choosy kapa… Dapat sa lahat ng bagay pantay ang pag-tingin mo. Duling lang ang peg !!! haha
“kung hindi mo mahal ang isang tao wag kang magpakita ng motibo, para mahalin ka nya! kung ayaw mo rin namang magpaasa.”
Minsan maraming nasasakatan sa maling akala, dahil minsan madaling mahulog ang loob natin sa mga taong malapit satin.
“Kahit anong paglilibang mo sa maghapun isa lang nasisigurado ko, Pagdating ng gabi sya pa din laman ng isip mo.”
Kahit anung gawin mo, kung ang nakaraan ang laging naaalala mo, hindi mo sya maalis agad sa isip mo.
“Kung mahal mo ang isang tao, dapat kaya mong ipaglaban kahit sa paanong paraan.”
Ipaglalaban mo pagibig mo kahit anong mayari kung talagang mahal mo ang isang tao.
“Swerte ka sa tong kahit sobrang nasaktan na hindi ka parin pinapakawalan, dahil pilit niyang tinutupad ang pangakong walang iwanan.”
Loyalty, isa sa magandang inspirasyon sa pag-ibig, kahit nasaksaktan kana, kung para sa kanya gagawin mo ang lahat.
“Hindi sapat ang pagmamahal, kailangan din ng respeto.”
Respect, mahal mo nga sya hindi mo naman nirerespeto, wala rin diba!
“Kung mahal mo ang isang tao hindi ka maghahanap ng wala sa kanya, makuntento ka kung anung meron sya at tanggapin kung anung kayang ibigay nya.”
Love is unconditional, no matter how hard it is. Mahalin mo sya ng buong-buo.
“Wag mong hanapin ang katangian ng dati mong mahal sa gusto mong mahalin ngayon. walang taong magkatulad at walang love story na magkaparehas, Iba ang nakaraan sa kaslukuyan”
Wag mong ipagkumpara ang ex mo sa bago mo, bad yun… tsk,,
“Kung minsan ay naiisip mo at nararamdaman na hindi ka mahal ng taong mahal mo, tama ka. Dahil hindi ka nya pababayaang magkaroon ng ideya at pagkakataon na mag-isip ng ganung bagay kung talagang mahal ka nya.”