Mr Bolero Quote : ” Minsan “
Minsan talaga kailangan mong magising sa katotohanan na hindi sa lahat ng oras, nakakausap o nakakasama mo siya. Hindi sa lahat ng oras papansinin ka niya. Mahirap tanggapin pero eto ang katotohanan. Hindi lang kasi sayo naikot ang mundo niya. May ibang prayoridad siyang ginagawa sa kanyang buhay. Magbabago nga lang yun kapag asawa mo na siya. Pero sa ngayon, hanggang dun ka lang muna.
Sa buhay magkarelasyon may oras na masaya kayo at may oras na hindi. Hindi naman kasi sa lahat ng oras magkasundo kayo at hindi sa lahat ng oras may galit siya sayo. Ang mahalaga ay kung paano niyo napapanatiling matatag ang inyong pagsasama gayong may mga oras at araw ng hindi kayo magkasama. Kung mahal mo dapat tanggap mo kung ano sya, kung ano mga kahinaan niya, kung ano ung strength niya at mga worst side niya. Ganun naman talaga kung mahal mo diba? lahat gagawin mo para sa mahal mo, lahat kakayanin mo para sa mahal mo at lahat gagawin mo para lang mapasaya sya. Minsan man tayo ay may mga kasalanang nagagawa sa ating partner, at ganun din sila sa atin ang mahalaga naman magpatawad, humingi ng tawad at huwag nang uulitin. Sapagkat ang paghingi ng tawad ay mawawalan ng katuturan kung uulitin mo pa rin ang pagkakasala mo or hindi mo pagsisisihan ang maling nagawa mo.
Salamat sa pagbisita sa Blog-site na ito hope nagustuhan niyo or may nakuha kayong aral sa munting mensaheng aking naisulat. Kung nais niyo ng updates para sa mga quotes at saying ilike lang ang aming FB page para sa bago at sariwang advice.