Nagkakamali din
Sa mundong ito walang taong perpekto, lahat tayo may kanya kanyang kahinaan, lahat tayo nagkakamali, at sa bawat pagkakamali tayo ay may natututunan. Matuto tayong tanggapin at alamin ang ating pagkakamali, ihinggi ng tawad at huwag nang ulitin sapagkat ang paghingi ng kapatawaran ngunit walang pagbabago ay hindi maganda. Sapagkat ang tunay na humihingi ng kapatawaran ay hindi na inuulit ang pagkakamaling kanyang nagawa, dahil ang tunay na nagsisisi ay nagbabago.
Sa totoo lang hindi naman talaga masamang magkamali kung hindi mo sinasadya ngunit kung alam mo na hindi ito makakabuti o alam mo na mali ito saka kalang nagkasala. Example me asawa ka then humanap ka ng aliw sa iba, alam mo na me asawa ka bakit hahanap kapa ng iba? Katulad ng mabuntis ng maaga gayong nagaaral kapa at alam mong wala kapa sa wastong edad, at hindi kapa responsable sa mga bagay-bagay. Ito ay isang uri ng pagkakamali na pwede mo maisaayos, gayun mang may kasabihan tayong nasa huli ang pagsisisi at wala sa una, lahat naman tayo ay may pagkakataon upang isaayos ang ating buhay, hindi sa way na ipapalaglag mo ang bata ngunit sa way na ipapakita mo sa lahat ng kaya mo na magging responsableng tao, mabuting tao at the same time mabuting anak sayong mga magulang.
Hindi pa huli ang magbago at ayusin ang ating buhay, ang magsisi at mas magging better na tao sa kung ano ka dati. Lahat tayo ay may second chance na patunayan na kaya nating itama ang ating mga pagkakamali.
Salamat sa pagbisita sa blog site nato nawa ay natulungan kayo neto upang malaman na hindi pa huli ang lahat sa inyong buhay, sabi nga think positive and positive things will happen, but thinking or dreaming without action have no output. Kailangan gawan talaga kumilos ka, kailangan mo patunayan na nagbago kana, na deserve mo na pagkatiwalaan ulit, na deserve mo na igalang ka ng iba. Kung nagustuhan niyo ang ating topic Ilike lang ang amin FB page kung saan malalalaman niyo kung mayroon tayong updates.