Sa generation at panahon na meron tayo ngayon, paano nga ba manligaw ang isang lalaki sa babaeng kanyang napupusuan, para na rin tanggapin ng kanyang mga magulang. Here are some tips.
Flowers?
Yes pwede pa rin naman. But not grand bouquets. Long stemmed flowers o hindi kaya naman ay kahit anong halaman na nakalagay sa magandang paso. Alam mo naman ngayon, halaman is the new trend.
Chocolates?
Yes, di naman siya nalalaos. Pero if ako si girl, mas gusto kong ipagluto mo na lang kami ng family ko o di kaya ay kahit ako lang. Mas practical. May ulam ka na, natikman ka pa. Este yung luto mo pala.
Harana?
This is not a big deal nowadays. Kantahan mo lang siya araw-araw kahit hindi ginintuan ang boses mo, yung effort at emosyon na binubuhos mo sa bawat kanta, sapat na yon para magustuhan ka rin niya.
Expensive gjfts?
Kung gusto mo magbigay, hindi ka naman pipigilan. Pero sa panahon ngayon, mas maganda yung mga bagay na may sense. Yung nagagamit at hindi pang-display lang.
Luxurious dates?
Stroll lang sapat na. Anywhere that makes memories will do. It’s the thought that counts dapat, hindi yung ginastos.
Sa panahon ngayon, praktikalan na rin dapat ang pagmamahal. Wag puro sarap at saya, andyan din dapat ang utak kasabay ng ligaya. For more blogs, visit mrbolero.com! Happy reading!