PAANO NGA BA MAGING MAS CLOSE KAY CRSUH
Paano Maging Mas Close Kay Crush
May crush, pero hindi sigurado sa gagawin? Maaaring na-o-awkward ka, nahihiya, o nalilito. Natural lang naman na ma-attract ka sa isang tao, pero it may be difficult to turn it into something real. Eh, gumawa ka na ng hakbang, para magkaroon ka ng pagkakataon na yung crush mo, e ma-develop pa sa mas close na relasyon. Consider these steps na paraan para mas mapalapit ka pa sa crush mo.
Part 1:
Hanapin mo yung Connection sa inyong dalawa
1. “Alamin mo ang inters na pareho”
Isa sa mga pinakasimpleng paraan para mapalapit ka kay crush ay yung paghanap ng mga gawain at interests na pareho ninyong gusto. Makipag-usap ka sa kanya tungkol sa mga gusto niya. Alamin mo yung mga interests nya na kapareho ng mga gusto mo, and mag-spend ka ng oras para sa mga activities na yun.
I-consider mong itanong sa kanya ang mga bagay tulad ng, “Anong pakiramdam maglaro sa soccer team? Naglalaro kasi ako dati ng soccer.” O kaya “Napansin ko na mahilig ka pala mag-drawing. Ano ba yung karaniwan mong ini-isketch? Gusto kong makapagsketch sa journal minsan.”
Do more activities na pareho ninyong nae-enjoy. Basta siguruhin mong hindi mo uubusin lahat ng oras mo para dito.
Tingnan mo yung mga bagay na pinagkaiba ninyo. Minsan kasi para mas makilala mo ang isang tao kailangan mo ding tingnan ang pagkakaiba ng approach ninyo sa inyong mga common interests.
2. “Mag-umpisa bilang mag-kaibigan”
Mahirap mang kontrolin ang nararamdaman mo, importante pa rin na makilala mo yung tunay na katauhan (ugali) ng crush. Hindi ba’t mas maganda kung yung taong gusto mo, e gusto mo ding maging kaibigan?
Kung pakiramdam mo e hindi magiging mabuting kaibigan si crush, o nagkakaiba kayo ng mga interes, isipin mo kung ano ang ibig sabihin noon. Gusto mo bang maging close sa taong tingin mo ay hindi magiging mabuting kaibigan?
Hayaan mong mapunta sa romance yung friendship ninyo, kaysa kabaligtaran ang mangyari. Mag-isip ka ng paraan para hindi mo siya maisip palagi, at magfocus ka kung paano muna kayo magiging magkaibigan.
I-try mong itanong sa kanya at sa mga kaibigan niya kung okay lang na tumambay sila kasama mo at ng mga barkada mo para sa isang weekend event. Gawin mo munang casual ang interactions ninyo sa umpisa, bago ka magtanong kung gusto ka ba niya.
3. “Maging good listener”
Mag-effort kang pakinggan yung mga bagay na gusto niya. Maging positive ka at ngumiti ka palagi. Ipakita mo na nakikinig ka sa kanya. Wag kang magpapa-distract sa ibang bagay. At huwag mong aalisin ang mata mo sa kanya kahit nahihiya ka.
Kung pakikinggan mo talaga ang mga sinasabi o kinukwento ng crush mo, at hindi yung iniisip mo lang yung itsura nya, mas makilala mo kung sino ba talaga siya.
After mong makinig, i-try mong sumagot ng, “Napakaganda naman noon” o kaya “Wow, ang galing naman.”
I – follow-up mo yung mga tanong mo. Kung nakikinig ka talaga sa crush mo, dapat binibigyang-pansin mo ang mga sinasabi niya. Magtanong ka ng mga details tungkol sa sinasabi niya, o paglilinaw kung may isang bagay na naguguluhan ka.
Part 2:
Magtiwala ka sa sarili mo
4. “Maging totoo ka sa iyong sarili”
Napaka-importante na maging totoo ka sa sarili mo. Maging tapat ka sa maga ayaw at gusto mo. Huwag kang maging peke, o maging katulad nung taon ayaw mo. Isipin mo kung ano yung mga bagay na mahalaga sa’yo.
Kumilos ka at magdamit sa paraang komortable ka at natural sa iyo.
5. “Magkaroon ka ng confidence”
Isa kang pambihira at napaka-amazing na tao. Purihin mo ang sarili mo kahit papaano, at maging proud ka kung sino ka at kung ano ang kaya mong gawin. Hindi mo dapat ikahiya ang pagiging totoo mo sa sarili, at pagpapakita sa ibang tao na confident ka.
Be positive, at makihalubilo ka sa mga taong positive din ang attitude.
6. “Maging mabait ka at madaling lapitan”
Ang pagiging mabait ang susi. Bagama’t maaari kang mapansin ng crush mo kung magiging approachable and pala-kaibigan ka, pwede din siyang mag-alangan o magdalawang-isip na makipagkaibigan at makipagclose sa’yo kung magiging cold ka, bastos, o mayabang ka.
Subukan mong makipag-usap sa kanya kahit maliit lang na conversation para mawala ang hiya mo sa kanya kahit papaano. Subukan mo ding i-compliment s’ya o kausapin siya tungkol sa mga bagay na pareho ninyong ginagawa.
Subukan mong magsabPAAi ng mga bagay na katulad ng, “Bagay sa’yo ‘yang shirt mo,” o kaya “Ang galing mo pala mag-gitara.”
7. “Alagaan mo ang hitsura mo”
Alagaan mo ang hitsura mo. Maging presentable ka sa pamamagitan ng pag-aalaga ng hitsura mo. Mag-suot ka ng magagandang damit at panatilihin mong neat ang gupit mo. Hindi mo naman kailangang “mag-bihis ng maganda” araw-araw, pero mas malamang na makipag-usap sayo ang isang tao, o mapansin ka ng isang tao, kapag maayos ang hitsura mo.
Huwag kang magsuot ng mga seksing damit. Baka mas pansinin ka pa ng mga tambay sa kanto, hindi ng crush mo.
Para sa mga babae, ‘di na ninyo kailangan na maglagay ng makapal na make-up o mga labeled na damit. Pero ang pagkakaroon ng malusog at kaaya-ayang hitsura ay napaka-ganda para sa inyo. Subukan mong gumamit ng mild na perfume, wag ‘yung masyadong masangsang (masakit sa ilong).
At para sa mga lalaki, iwasan ninyo na magmukha kayong laging bagong gising. Siguraduhin ninyo na malinis ang mga susuotin ninyo. I-try nyo din gumamit ng cologne.
Maraming salamat sa inyong pagbisita sa aming Blogsite :) marami ba kayong natutunan at nakakaramdam ba kayo ng saya? kung ganun naman pala ay wag kalimutang e-like ang aming Post just for you! And also don’t forget to visit us on facebook mr.bolero.com :) Thank You!