Mangangako ka na lang, wrong spelling pa. Ibalik kita sa elementary dyan, gusto mo?
Puro ka pangako, lagi na lang naman napapako. Hindi ka ba nangingilabot pag nagbibitiw ka ng salitang tapos na? Ako na yung nahihiya para sayo. Sana kung ako, ako lang talaga diba? Kaso minsan, hindi ko rin maintindihan kung sinasadya mong magpahalata o hindi ka lang talaga marunong magtago? Alam mo kasi, alam ko kung ako lang o may iba. In your case, sa spelling pa lang ng pramis mo, ekis na. Patulong ka sa dictionary para makita mo ang tunay na kahulugan ng pangako at ng “ako lang”.
Huwag magsalita ng hindi kayang panindigan. For more blogs, visit mrbolero.com! Happy reading!