Mga qoutes na siguradong makakarelate at matatamaan ang mga taong nasaktan at nabola ng pagmamahal. Sa kabila nito marami pa namang paraan para sumaya ulit. Nasa ating mga kamay ang desisyon. Tayo ang gumagawa ng sari-sarili nating mga desisyon.
- “Mambobola nga siya, nagpabola ka naman?”
Kahit gaano pa katatag ang binuo ninyong samahan may sisira at sisira dito at nasa sa inyo ang desisyon kung hahayaan niyo itong masira o hindi. Pagbitaw ng isa masasaktan ang isa. Sa sobrang sakit ng naidulot ng kanyang pagalis maraming nabubuong mga salita at sumbat na ating isipan. Isang paraan rin kasi ng ibang tao ang pagsasabi ng mga negatibong bagay sa kanilang ex upang makatulong na limutin ang pagmamahal niya dito. Sa pag iisip natin ng mga negatibong bagay tungkol sa kanila magigising tayo sa katotohanang ginusto rin nating masaktan tayo nila. Mambobola nga siya, nagpabola ka naman diba? Walang dapat sisihin sa bawat isa sapagkat parehas lamang kayong nagmamahal.
- “Nahulog siya dahil sa mga bola mo, kaya tama na kung hindi mo naman gusto.”
Mayroon ng nabubuhay ngayong mga taong pinanganak upang magpafall. Hinahayaang mahulog sa kanila tapos di na sasambutin dahil may gusto na palang iba. Sa mga pagkakataong ganito, wag na nating patagalin ang isang bagay na hindi natin kayang panindigan hanggang huli. Siguraduhin natin na ang bawat desisyon na gagawin natin ay hindi na makakasakit pa nga iba. Kung nahuhulog na siya at alam mong hindi pwede sabihin mo na at wag ng magpaligoy-ligoy pa. Kung papatagalin mo pa ito mas lalo lang titindi ang sakit sa huli.
- “Pagtagal ng samahan niyo, pag dami ng bola niya sa’yo.”
Aminin man natin o hindi sa pagtagal ng pagsasama ninyo dumadami rin ang mga bola sa bawat isa. Bola man o hindi pero nakakapagpasaya naman ito sa atin diba? Parte ng samahan yan at anuman ang tawag nyo sa mga bagay na ito isa yan sa magiging dahilan ng mahirap na paglisan sa huli. Lahat naman kasi ng bagay hindi sigurado ngunit isa lamang ang alam kong sigurado sa pagmamahal. Ito ay ang sakit sa huli na magiging sanhi ng pagkatuto at paglakas mo bilang isang tao.
- “Nasaktan ka man at nagsisi sa huli bumangon ka at magmahal na lang muli.”
Hindi natin mapipigilang masaktan. Malilimitahan ngunit masasaktan at masasaktan pa rin dahil ito ang itinakda ng panahon. Nakatakdang matuto ka ng maraming bagay dito sa mundo. Isa fito ay ang pagbangon sa bawat pagkadapa. Ang ibig sabihin ng mga sakit at pagkakamali sa buhay ay panibagong dahilan upang mas maging matatatag na tao. Kahit ano pa mang sakit ang dalhin ng buhay sa atin piliin mo pa ring magmahal dahil ito lang ang nagiisang paraan upang makawala ka sa sakit na dala ng kahapon.
- “Masaya ka na ngayon kaya bitawan mo na ang kahapon.”
Makakahanap at makakahanap tayo ng taong makakapagpabago at makakapagpasaya sa atin. Sila ay isa sa mga taong muling bumuhay sa iyo mula sa pagkamatay dala ng kahapon. Sila ang magpapaalala sa iyo ng tunay na kahulugan ng saya. Kung alam nating masaya na tayo sa kung anong meron tayo ngayon huwag na nating gawing dahilan ang kahapon upang maligtaan mo ang mga nangyayari ngayon. Yung dapat ay sinusulit mo ang meron ngayon ay inaaksaya mo lang ang oras mo sa mga bagay na parte na ng kahapon. Masaya ka na ngayon kaya bitawan mo na ang kahapon.
2 Comments
[…] entry was posted in All About Love, Patama Quotes, and Love […]
[…] entry was posted in All About Love, Patama Quotes, and Love […]