Tagalog Quotes 2019
Ang love ay parte na nang buhay ng tao, kaya hindi natinmaiiwasan ang magmahal, masaktan magmahal muli at syempre masaktan muli. Yung iba naeenjoy masaktan kaya ayun patuloy na nasasktan, yung iba naman natututo na agad yung iba nagiging bitter at dyan lalabas yung mga patama lines hugot lines at iba pa. Wala ei sa ganoong paraan nalang nila mailalabas sama nang loob nila at mga hinanakit. Siguro mas ok nay un kesa naman gumaya dun sa ibang ipagpipilitan yung sarili ei ayaw naman na sa kanila tapos ano kakalabasan? Away, iyakan, murahan at iba pang bagay na hindi na healthy para sa inyong dalawa.
Di mo na kailangang magkulang para lokohin ka. Minsan, kahit ginagawa mo na lahat, niloloko ka pa rin.
-Kapag dumating sa ganitong point huwag kana maghabol, ginawa mo na yung lahat ei wala ka na pagkukulang, kaya wala kang kasalanan sa inyong paghihiwalay. Ipagpasalamat mo nalang na hindi ka mapupunta sa taong hindi ka kayang pahalagahan tulad ng pagpapahalaga mo sa kanya.
Sa PAG-IBIG, hindi mo na kailangan intindihin ang iniisip ng iba. Dahil ang mahalaga ay MAHAL niyo ang isa’t isa.
-Sabi nila kapag daw sa relasyon ay maraming nakakaalam it simply means marami ding mangingialam. I guess ok lang namang ipagsigawan mo kung mahal mo talaga ang isang tao diba? Bakit mo ililihim ei sa kung mahal mo talaga, kung may sumagabal man bakit sila mangingialam? Kung nakakabuti naman para sayo diba? Kung mahal mo ipaglaban mo, Huwag yung nasabihan lang ng tropa mo na ano bay an pre ikaw lang me mahirap na jowa sa tropa… pwede mo namang sabihing bakit kapag mahal mo ba kailangan mayaman, kailangan me mga qualified characteristics from others? Ikaw yung jowa kaya wala silang pakialam kung mahal mo mahal mo at walang kahit sino makakapagbago ng nararamdaman ng taong nagmamahal.
Torpe – Tutuklawin kana ng opportunity wala ka pa ring ginagawa.
-I guess ok lang naman maging torpe.. kesa naman masobrahan ng kapal ng mukha lahat nalang niligawan, oo gwapo nga pero may karapatan ba siyang pagsabay sabayin yung mga taong inosente? May karapatan ba syang saktan ang damdamin ng iba? Mas ok nang maging torpe ang mahalaga marunong ka magpahalaga ng damdamin ng iba, at kapag torpe ba hindi na niya kaya ipadamang mahal niya ang isang tao? Oo maaaring hindi niya kaya sabihin pero kaya niya ipadamang mahal mo sya.
Minsan yang pagmomove-on na yan, mas matagal pa kesa sa relationship.
-May mga tao kasing sobrang nagmahal, tapos yung napili nilang partner sobra naman magsamantala. Binigay mo yung lahat siya naman kinuha lahat tapos iiwan ka lang L sakit diba? Bakit kasi ibibigay sa taong hindi naman nila sure kung papanagutan sila… Kasalanan din ba ang magmahal ng sobra? I guess oo kasi lahat ng sobra ay mali. Kaya suggest ko lang ok lang magmahal ng sobra ang mahalaga magtira ng pagmamahal sa sarili, yung tipong kahit iwan ka hindi ka maaagrabyado in other word walang nawala sayo na pagsisisihan mo ng sobra.
Bilog ang mundo kaya kahit talikuran mo ang problema mo, sa huli haharapin mo rin yan sa ayaw mo at sa gusto.
-Sabi ng iba “Ang problema hindi magiging probelema kung hindi mo poproblemahin” pero mali pala kasi kahit anong gawin mong iwas kahit anong gawin mong tago, no choice ka kundi harapin ang problemang yun kasi ang problema part ng buhay natin paano ka lalago paano ka magiging better person kung isang problema lang hindi mo kayang lagpasan paano pa yung ibang problema mo pangkakaharapin? Paano ka maggogrow up?
Huwag mong idepende ang sarili mo sa kahit na sino dahil kahit sarili mong anino, iiwan ka pag madilim na ang paligid mo.
-Kapag tayo ay nasaktan ok lang humingi ng advice at tulong mula sa kaibigan, sa magulang at sa kung sino man yung feel mong lapitan na pagshashare-ran mo ng problema mo. Pero Hindi ibig sabihing pwede mo silang lapitan ay sa kanila mo nalang lagi idedepende ang buhay mo dahil gaya mo may sarili din silang buhay na dapat nilang ayusin.
Ang NGITI parang virus “NAKAKAHAWA” kaya ngumiti ka at hawaan mo sila.
– Sabi nga ng mga kabataan “ Share your smile to everyone but your LOVE to only one” ok lang na ngitian mo lahat pero huwag na huwag mong bibigyan ng dahilan para umasa sila sa wala kung hindi mo namang kayang suklian ang pagmamahal na ibibigay nila. Kapag ngiti ngiti lang walang paasahan :D, Minsan kasi may mga taong ginagawa kang insperasyon, yung tipong nalulungkot din sila kapag nakikitang malungkot ka, kaya ngiti kalang kahit nasasaktan kana :D (hahaha daming hugot sa buhay)
Takot kang umamin kasi takot kang mabigo. Kaya sa takot mo na yan, hanggang ngayon kaibigan ka lang.
-Hindi naman siguro masamang matakot na mabigo or masaktan lalo na’t naranasan mo na ito minsan, lalo na kung magkaibigan kayo kayhirap iris kung pagkakaibigan niyo sa relasyong hindi mo sure kung ano ba ang mas makakabuti. Ang magstay na friend nalang kayo o ilevel up na yung samahan nyong dalawa.
Kahit kailan HINDI tama ang gawing tanga ang taong walang ginawa kundi ang MAHALIN ka.
-Oo tama pero hindi rin naman siguro makakabuti kung pilitin mong mahalin yung taong hindi mo kayang mahalin diba? May mga tao kasing hindi mo alam mahal kana pala, tapos malalaman mo nalang sa iba na nagmuka kanang masama sa kanila dahil magmumuka kang paasa ng bigla.
Sabi nila pag nagmahal ka sa una talagang napakasaya, tapos.. Masaya, tapos.. Medyo masaya, tapos masaya ng konti. :| hanggang sa dumating sa point na’Parang masaya ka nalang
-May mga relasyon talagang sa una lang Masaya, sa una lang ok at sa una lang nagwowork, pero darating yung time mararanasan mo na yung kasabihang “Sa simula lang nagmamahalan pagnagtagal nagmumurahan”. Yan yung mga relasyong hindi nagtatagal kasi sa simula lang mahal then sa pahuli marerealize na nilang gusto lang pala nila. Magkaiba kasi yung mahal sa gusto lang, tulad sa ating pangangailangan sa araw araw… iba yung need sa wants…