“Top 10 Best Tagalog Friendship Quotes and Sayings | mrbolero”
Ang mga Friends natin ang mga kapamilya natin na pwede nating piliin, pero wag kang mag-eexpect ng sobra sa kanila.
Ang pagiging magkaibigan ay yung pagkakaroon ng mga wonderful moments kasama sila at hindi sila iiwanan at tatalikuran kahit ano pa ang mangyari o kahit na ano pa ginagawa mo.
Alalahanin mo yung masasabi mong pinaka masamang bahagi ng buhay, ngayon, pilitin mong alalahanin yung isang taong hindi umaalis sa tabi nung mga oras na yun. Maaaring ito ay ang mga magulang mo, kapatid, o kaya naman ay ang matalik mong kaibigan: pero malamang sa malamang na yung huling binanggit ko. Nandoon lang ang kaibigan mo at kinu-comfort ka, nire-reassure ka, at sinusuportahan ka during the darkest time in your life. Yan kasi ang ibig sabihin ng pagiging mag-kaibigan: sinusuportahan ka palagi, sila yung ating comforting confidant at sila din ang ating worst critic. Sila yung pamilyang pinili natin!
Friends are people we love to spend time with. Sinasamahan tayo tuwing malungkot tayo, tinutulungan tayo ng hindi humihingi ng kapalit, at tinatanggap tayo sa kabila ng mga pagkakamali natin. They make celebrations fun, and they help us be ourselves. Hindi lang yun, sila din yung tumutulong sa atin na mag-grow sa ispiritwal na lebel. Each soul is in a journey, atang mga friends natin ang mga gabay na dumadating sa buhay natin, gagampanan ang kanilang mga tungkulin at kasama natin sa pagusad sa buhay.
Ang pagkakaibigan ay isang walang katulad na ugnayan na hindi katulad ng relasyon natin sa pamilya, dahil pinipili natin sila. At hindi katulad ng ibang voluntary bonds, kagaya ng kasal at romantic na relasyon, wala itong pormal na kaanyuan. Makakaya mong hindi makipag-usap ng ilang linggo o buwan sa BF/GF mo (hopefully), pero hindi mo kayang hindi kausapin ang kaibigan mo ng ganun katagal.
1. “Okay lang mawala sa akin ang taong minsan kong minahal. Huwag lang ang mga kaibigan kong ABNORMAL!”
“Yung mga kaibigan kasi natin yung napaghuhugutan natin minsan ng mga sama ng loob natin. Sila yung nagpapayo sa atin pag may problema tayo. Sila din yung napaglalabasan natin ng sama ng loob tuwing may pinagdadaanan tayo. Kaya nga minsan, mas matatanggap pa natin na iniwan tayo ng BF/GF natin basta andyan pa din yung bestfriend natin na kahit pasaway, alam natin na hinding hindi pa din tayo iiwanan.”
2. “Ang Gusto kong mga KAIBIGAN yung mala REXONA, kasi alam kong THEY WON’T LET ME DOWN!”
“Mahirap na kasing makahanap ng tunay na kaibigan ngayon, karamihan kasi nandyan lang pag kailangan ka nila at once na ikaw ang nangailangansa kanila, nawawala silang parang bula. Kaya mas okay na yung parang rexona na hindi ka pababayaan during your ups or downs.”
3. “Pag CELLPHONE nalaglag makapag panic wagas! pero pag KAIBIGAN ang nalaglag makaTAWA parang wala ng BUKAS!”
“Importante kasi ang cellphone para sa atin kaya kapag nalaglag, takot na takot tayo dahil baka magasgasan, or worse masira. Kaya nga ingat na ingat tayo, yung cellphone kasi ang buhay natin. Pero kung yung friend natin ang malaglag, sige lang, tawa lang. Alam kasi natin na hindi magagalit yung kaibigan natin pagtawanan man natin siya, and the best part, sasabay pa siya sa halakhakan.”
4. “Ang tunay na kaibigan ay hindi nagagalit kapag ininsulto mo. Sa halip ay mag-iisip sila ng mas nakaka-insultong salita na ibabato sayo.”
“Alam na kasi ng kaibigan mo yung paraan mo ng paglalambing sayo. Pag bestfriends kasi, alam na ninyong dalawa ang likaw ng bituka ng isa’t isa. Kaya sa halip na maasar siya o magalit dahil sa mga sinasabi mo sa kanya, tatawanan ka lang at gagantihan ka ng insultong mas malala pa sa insulto mo sa kanya. ”
5. “Ang tunay na kaibigan, magalit man hindi nangbubunyag ng sekreto yan.”
“May mga tao kasi na kapag naka-away natin, ginagawa ang lahat makabawi lang sa atin, minsan sisiraan pa tayo sa iba kung may alam sila sa mga sekretong tinatago natin. Hindi katulad ng tunay na kaibigan na kahit gaano pa siya kadaldal, hinding hindi niya ipagsasabi sa iba yung mga bagay na alam niyang makakasira sa atin. Ganun kasi ang magkaibigan, tapat pa din sa isa’t isa kahit may away sa pagitan nila.”
6. “Ang tunay na kaibigan kahit busog pa yan, pag nanglibre ka, kakain at kakain yan.”
“Hindi kasi mahalaga sa mga magkakaibigan yung salitang “hiya”. Palagay na kasi ang loob natin sa isa’t isa. Kaya kahit puputok na ang tiyan nyan sa kabusugan, kakain at kakain pa din basta manglibre ka. Ayaw kasi nyang isipin mo na sayang lang yung perang pinanglibre mo sa kanya kung hindi naman nya kakainin yung binili mo.”
7. “Di baleng magkaroon ng kaibigang MAGULO. Atleast TOTOO. hindi yung kaibigang akala mo’y SANTO. Yun pala DEMONYO.”
“Mas okay na yung magkaroon tayo ng kaibigan na pasaway, kulikot, barubal, anu pa ba? Atleast kasi, alam na natin na yun yung talagang ugali niya. At mas madali natin siyang mapapakisamahan dahil totoo siya sa atin. Kaysa naman dun sa tao na sobrang bait kapag kaharap natin, tinuturuing na nga nating kaibigan. Yun pala traydor at tumitira ng talikuran.”
8. “Wag kang humanap ng kaibigang makaka-intindi sayo, hanapin mo ang kaibigang hindi ka maiintindihan pero HINDI KA RIN IIWAN.”
“Hindi naman kasi sa lahat ng pagkakataon, kailangan mo ng kaibigang magpapayo sayo at iintindi sa mga ginagawa mo. Minsan, mas kailangan mo yung taong kahit hindi niya alam kung mo ginagawa ang isang bagay, nandyan lang siya para sayo at mananatili siyang nasa tabi natin kahit ano pang mangyari.”
9. “Ang mga KAIBIGAN ay parang mga prutas. May dalawang klase yan, ang SEASONAL at FOR ALL SEASONS.”
“May mga kaibigan kasi na seasonal lang talaga. Yung mga kaibigang nakikita mo lang kapag may kailangan sila sayo, o kaya kapag may mga handaan o outing ka na pupuntahan. Sigurado present sila dyan. At yung mga for all seasons, sila yung masasabi nating tunay na kaibigan. Yung hinding hindi ka iiwanan kahit anong mangyari. Kahit wala ng laman ang bulsa mo, andyan pa rin sila para sayo.”
10. “Hindi lahat ng kaibigan, dapat pinapayuhan. Minsan kailangan mo lang silang batukan para matauhan.”
“Minsan kasi, may mga kaibigan talaga na kahit sobrang laki na ng problema, hindi pa din sila humihingi ng advice sa atin, nahihiya kasi sila. Minsan, ayaw nilang idamay pa tayo sa problema nila. Sila yung mga kaibigang dapat binabatukan para matauhan, kailangan kasi nilang maintindihan na ang tunay na magkaibigan, nagtutulungan kahit anong problema pa yan.”
Maraming Salamat sa patuloy na pagsuporta ninyo kay mr.bolero! Inaasahan namin hindi kayo titigil sa pag suporta! Pero para naman di kayo manawa at tumigil sa pagbisita sa aming Blogs ay Araw-araw kaming mag Po-post ng mga pinakamagaganda, Inspiring, Motivating, and Newest Quotes and Sayings! And Don’t forget to like our facebook page mr. bolero.com at e-share and Like para sa mas malakas na pagsuporta at upang mas mapaganda at mapanatili natin ang Magagandang Quotes na maaari ninyong mabasa! Thank You!
1 Comment
[…] 10 Best Tagalog Friendship Quotes And Sayings Mrbolero File Type = jpg Source Image @ mrbolero.com Download […]