Tunay Na Kaibigan
Ang tunay na kaibigan ay sasabihin sa iyo kung ano ang dapat mong marinig at hindi ang gusto mong marinig.
“BARKADA” diyan ako natuto tumambay, umuwi ng gabing gabi, magmahal, mabigo sa pag ibig, makipagaway at makisama. tas sasabihin nila, BARKADA BAD INFLUENCE? iba’t iba man kami ng katangian, napahamak man ako minsan, lahat yan di ko pinagsisihan. dahil sa salitang yan, dyan ako naging masaya at natutong lumaban.
Ang tunay na kaibigan ay nakakaramdam kapag ikaw ay nagdaramdam, kahit hindi mo pa ito sabihin.
Ang tunay na kaibigan ang mga taong masasandalan mo, mga taong masasabihan mo ng problema kapag may problema ka.
Ang tunay na kaibigan ay ang taong alam na alam kung paano ka sisiraan pero hinding hindi niya gagawin
dati, ang sukatan ng pagiging isang KAIBIGAN mo ay ang halaga mo sa mga kaibigan mong nagmamahal sa’yo. ngayon iba na. ang sukatan ay ang halaga mo sa. FRIENDS FOR SALE! magkano ka ba?
Ang tunay na kaibigan ay mananatiling kaibigan despite of the distance or dami ng taong hindi nyo pagkikita. Matapos ang ilang taong hindi pagkikita, malalaman mong ang iyong kaibigan ay kaibigan pa rin kung pareho pa rin ang pakiramdam nyo sa presence ng isa’t isa. Kung walang naging gaps, kung walang weird feelings, tunay pa rin at nananatili ang pagkakaibigan ninyo. The feeling is as if no one ever left. As if you never parted.
Tunay ang iyong kaibigan kung sa minsang pagsasabi nya ng katotohanan tungkol sa iyong pagkatao ay naapektuhan ka (e.g. nasaktan). Ibig sabihin ay naniniwala ka sa paglalarawan nya sa iyo. May katotohanan ang kanyang sinasabi at nangangahulugan itong kilala ka niya.
Minsan nakikilala mo ang sarili mo sa piling ng mga taong nagmamalasakit at tunay na nagaalala ka kalagayan mo. Tinatawag silang pamilya o madalas mga “KAIBIGAN”
3 Comments
oo mn
oo nga naman…isang malaking check ng red na ballpen…
tma