“Gusto kita kaso, Huwag na lang. “
Break up Love Quotes : walang karelasyon
“Baka wala naman akong mapala ‘dun!”, iyan ang kadalasang daing kung bakit maraming tao ngayon ang pinipiling mapag-isa o manatili nalang sa pagiging “SINGLE”. Takot sila masaktan, ayaw nila magtake-risk para sa taong gusto nila kasi minsan na nilang naranasang masaktan.
Minsan, ang isang tao ay natatakot na ilabas ang kanyang nararamdaman dahil sa mga posibilidad na maaaring mangyari kung ipagtapat man niya ang kanyang kalooban. Siya ay parating nauunahan ng mga negatibong ideya. Siya rin ay pinanghihinaan ng loob upang hindi na niya ituloy ang kanyang nararamdaman o nais. Kung isa ka rito sa mga taong eto isipin mo paano mo malalaman kung may chance ka kung hindi mo susubukan diba? Hindi ba’t mas magaan sa kalooban kung ipagtatapat mo ang iyong nararamdaman kesa itatago nalang?
Pero may mga tao parin namang ginagawa ang lahat kahit na sila ay ma-reject o ma-busted. Sila naman ang mga taong nagpapakamartir o mga taong hindi pinanghihinaan ng loob. Sila ay patuloy paring umaasa kahit na wala na talaga silang pag-asa. Oo hindi naman siguro masamang umasa na may chance ka diba? Pero may mga pagkakataon talagang “ipapakita niya sayong wala ka talaga chance” kapag dumating sa point na ito isuko mon a lang yung nararamdaman mo sa kanya, kesa naman ipagpilitan mo ang sarili mo sa taonga yaw naman sayo. Kung sa tingin mo ginawa mon a yung best mo pero useless parin isuko nalang natin, kasi maaring ito yung makakabuti. Or ito yung maging way para habulin ka niya kasi mamimiss niya yung efforts na pinapakita mo yung pagiging sincere mo sa panliligaw sa kanya.
Subalit nandiyan parin ang mga taong nagbabakasakali. Sila ang mga taong tipong susubukan lang pero, kung baka sakaling ma-reject o ma-busted ay hindi na muling susubok dahil sila ay takot na. Hindi naman masama ang sumuko kapag nasaktan kana minsan kasi darating din naman yung time na muling titibok ang puso mo, yung tipong bibigyan ka nito ng lakas nang loob na subukanb ulet. Kasi para sa akin lahat naman ay may tama panahon para sa mga bagay-bagay nay an. Maaring hindi ngayon pero darating at darating yung time na “darating yung taong naktakda para sayo”.
Pero sa ganitong mga sitwasyon at kalagayan, hindi parin natin sila masisisi. Pero maaari neto mabago ang pananaw ng bawat isa sa kanila. Sa bawat pagkakadapa at sa bawat pagsubok kayang kaya nating bumangon. Dapat hindi tayo nagpapatalo sa ating kahinaan, at sa mga past natin na hindi na dapat pang balikan, Move on and keep moving!