Seen ay isang salita na binubuo ng apat na letra at sa likod nito ay maraming ibig sabihin. Naranasan mo na bang ma-seen? Nakakalito man pero ano nga ba ang mga nagiging sanhi kung bakit tayo nase-seen o nangse-seen. Ano man ang mga dahilan at mga pinagusapan bago makatanggap ng tumatagingting na seen, nasa sa iyo na lamang ang desisyon kung hahayaan mong maputol ang inyong usapan o ipagpapatuloy ito at huwag hayaang seen ang maging dahilan ng malabong usapan. Mayroon sa ibabang mga halimbawa ng mga paguusap o conversations na kalimitang tinatapos ng seen.
- Girl: “Hi ex. Kamusta?”
Boy: “Hello? Girlfriend niya to.”
Girl: “Ahm.. Kamusta kayo?”
Boy: “Masaya kami. Naging kayo pala? Di niya nasabi sa akin e.”
Girl: (Seen)
Bakit nga ba nangangamusta pa si ex? Gusto ba niyang i-check kung okay ka o kung pwede pa? Mahirap minsang mangamusta sa mga taong hindi na kailangang kamustahin. Mayroon na kasing nagaalaga sa kanya at okay na siya dahil masaya na siya. Ang masakit ay hindi pala niya nasabi sa present girl na ex ka pala niya. Parte na siguro ng nakaraan kaya hindi na kailangan pang balikan. Kahit man lang sana sabihin yung pangalan diba? Masakit man pero kailangan tanggapin na masaya na sila kaya tigilan mo na ang pagchachat sa kanya.
- Boy: “Hi ate.”
Girl: “Hello.”
Boy: “TaGhAsun k puh?”
Girl: (Seen)
Sila ay may kapangyarihang pahabain, paikliin at ibahin ang itsura ng mga letra ng isang salita. Nagagawa rin nilang manginis at manglito ng mga mambabasa. Sila ay tinaguriang mga jejemon. Jeje kung papaikliin. Naranasan mo na bang mareplayan ng mga jejeng salita? Diba’t nakakainis ngunit nakakatawa sa huli. Yung malinaw mong sinabi ang gusto mong sabihin ngunit ang ibabalik sa iyo ay nakakahilong mga letrang minsan ay pinaglabo-labo pa ng mga pwesto. Mga jejemon nga naman. Hindi natin maikakaila na dumaan sa atin minsan ang ganitong pagkakataon ngunit ginawa nating malampasan ito. Kung gusto natin ng malinaw na usapan linawan din natin ng mga salitang sasabihin o ichachat natin. Nauwi tuloy sa seen ang inaasahan mong reply.
- Girl: “Be?”
Boy: “Sino ka? Gf niya to.”
Girl: “Bebe shark dododo.. Dare game lang po. Bye.”
Boy: “Sino ka nga?!”
Girl: (Seen)
Umuuso na ngayon ang kantang ito na pinamagatang Baby Shark. Bigla na lamang itong tinangkilik ng mga tao. Masaya itong kantahin lalo na kung sasamahan pa ng sayaw. Nakakalibang at nakakatuwang kantahin lalo na kung kasama mo ang mga kaibigan mo. Sa pagkakataong ito maitanong ko lang kung kailan naging tama ang mali? Alam naman nating mali na makihati sa pagmamayari ng iba ngunit bakit pinipilit pa rin natin itong gawing tama. Nauwi tuloy sa kanta ang chat na “Be?” dahil nahuli ng tunay na nagmamayari ng puso ng tinatawag niyang “Be”. Wala ng ibang magawa kundi i-seen na lamang kasi nung huli narerealize na niyang mali ang ginagawa nila. Totoong nasa huli talaga ang pagsisisi.
- 7:00 am
Boy: “Babe? Nasan ka na. Andito na ako.”
Girl: “Paalis na ako ng bahay Babe. Wait for me.”
Boy: “Okay Babe. Ingat ka po.”
7:45 am
Boy: “Ano Babe? Saan ka na?”
Girl: “Otw na babe.”
Boy: (Seen)
Filipino time na nakasanayan na mga tao kapag may pupuntahang mga pagtitipon. Na kapag ang pinagusapang pagkikita ay 7:00 darating ang karamihan ng 7:45. Nakakalungkot man ngunit totoong nangyayari ito sa kasalukuyan. Pansinin natin ang mga nakaraang pagtitipon o mga pagdiriwang na pinuntahan natin. Madalas dumadating tayo lampas sa oras na itinakda na pagpunta. Nakakatawang isipin na sa sobrang inis ng lalaki sa hindi pag tupad ng girlfriend niya sa pinagusapang oras ay seen na lamang ang nagawa niya. Huwag na kasi tayong magpaligoy-ligoy pa sa mga kailangan nating gawin at sabihin. “Straight to the point”, dapat kung ano yung gusto nating sabihin na alam nating makakabuti sa sitwasyon ay sabihin na natin. Isipin nating na may sari-sariling tayong oras at gawain sa buhay. Maging aware tayo sa mga pwedeng kalabasan ng bawat salita, kilos at desisyon natin sa buhay.
- Girl: “Bes. Tulog na ako. Goodnight.”
Boy: “Okay bes. Goodnight.”
Girl: “Iloveyou. Mahal kita talaga.”
Boy: “Ge.”
Girl: (Seen)
Bes, bessy, besty, be, pre, tol at marami pang ibang tawag ang pwede nating itawag sa mga bestfriend natin. Bestfriend sila dahil sila yung mga taong nandyan palagi sa tabi mo sa hirap man o ginhawa. Sila yung mga mananatili sa tabi mo matapos nilang makita o makilala lahat ng mga pagkatao mo. Sila yung mga nawawala mong mga kapatid. Bestfriend kayo kaya dapat alam niyo kung ano ang meaning ng bawat salitang sasabihin niyo sa isat-isa. Kapag alam mong iba na ang meaning ng iloveyou niya at talagang pangkaibigan lang ang samahan niyo sabihin mo na agad sa kanya habang maaga pa. Mapangit man makatanggap ng reply na “Ge.” Pero siguro isa ito sa mga salitang nagpapahiwatig na tigilan mo yan dahil hindi tayo pwedeng umabot sa ganyan bestfriend lang tayo. At dahil masakit seen na lang ang tumapos sa usapan.
Thank you for visiting. Please Like and Share for more.