Dahil sa Facebook…

Latest Post

-Dahil sa Facebook-

“Naranasan mo na ba ang mainlove dahil sa facebook?”

 

inlove

Isang gabi, habang tutok sa PC tamang scroll lang sa facebook

Biglang naligaw ang aking mga mata, isang babae ang lumitaw

Nakakabighani ang kanyang ganda

At alam mo ba kung sino yun oo ikaw yun, oo ikaw nga.

 

Ako’y tila nahipnotismo sa iyong ganda

Ako’y  agad namang nag friend request wala na tong hiya hiya

Eh kaso ang tanong ko lang ako’y iaaccept mo kaya

Inaccept mo ko at agad akong nagmessege ng “Hi”

 

Maya maya ay nagreply ka agad

Ako ay kilig na kilig naman

Hanggang sa tumagal ang ating paguusap

At lahat ng tungkol sayo ay alam ko na

 

Pagkat palagi kang nagkwekwento sakin pag ikaw ang kachat

Hindi akalain na makikilala kita at tila may kakaiba

Na akong nararamdaman alam ko na parehas lang tayo ng nadarama

Pagmamahalan natin nabuo ng dahil sa facebook

 

Pagibig ay matatag pa sa pinakamatatag

At sa puso ko ikaw lang ang nagiisa na nakatag

Sa status ko mahal ko na babae ang isisigaw

Siya ay ikaw ay ikaw ay ikaw ay ikaw

 

Dahil sa facebook ay nainlove sayo 

Hindi ko hahayaang mag hang o mawalan ng connection

Dahil  sa newsfeed ng puso ko ikaw lang ang palaging laman

At ayoko na nang mag logout.

Leave a Reply

Follow Us on Facebook