Galit Ka Na Niyan?

blog

Galit Ka Na Niyan?

Hindi kita maintindihan. Bakit ka muna magagalit? Ano ba tayo? Enlighten me please.

 

Kumain ka na? Anong suot mo? Sino yung kausap mo?

Kumain ka na ba?

Pag sumagot ako ng oo, matutuwa ka. Pag sumagot ako ng hindi, magagalit ka. Kung ano-ano sasabihin mo. Ayaw mo kamo ng magkasakit ako, nalilipasan ng gutom, at bakit wala akong gana. Huh? Kakain ako pag gutom ako manahimik ka.

Anong suot mo?

Pag mukha akong losyang, tuwa mo naman? Pero ikakahiya pag kasama mo na ako. Pag naman naka-porma ako at naka-shorts, mababastos ako? Pero display mo rin naman ako sa labas. Okay ka lang? Tingin mo sakin, kotse? Sapatos? Ikaw yung mukhang paa, eh.

Sino yung kausap mo?

Marami akong kausap, sino doon? Ikaw nga maraming ka-fling, kinuwestyon ba kita?

At isa pa, wala naman tayong label. Aaminin ko, naghanap ako ng kausap, oo. Pero at least ako, pag kausap lang, walang sakalan at paghihigpit na magaganap.

Label muna sa atin bago mo ako ma-control. For more blogs, visit mrbolero.com! Happy reading!

(Visited 23 times, 1 visits today)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Message *
Name*
Email *