May nakilala kang isang napakapambihirang babae. Napakaganda nya, funny, matalino, at tingin mo ay hindi naman siya topakin. Kaya siyempre, gugustohin mo na magkagusto siya sa iyo. Hindi ba’t nakaka-depress kapag napunta ka lang sa friend-zone o kaya masyado kang kinabahan kaya sa halip na ma-impress siya sa iyo, eh matakot lang siya sa’yo at hindi ka na niya lapitan pa.
Para masigurong hindi yun mangyayari sa’yo, humingi kami ng tulong sa dating experts kagaya nina tado, empoy at bayaw (hinde joke lang ?) hiningi namin ang tulong ng mga experts pagdating sa pakikipagdate para malaman kung alin ba talaga ang nagwowork (at alin ang hindi) pagdating sa kung paano mo makukuha ang atensyon ng isang babae.
narito ang pitong siguradong paraan para magustuhan ka niya at makasama mo siya sa date, malay mo baka maka second date ka pa kapag ginawa mo to.
“Bagalan mo lang ang lakad”
Habang naglalakad ka para lapitan siya (o habang kasama siya), bagalan mo lang ang lakad mo at medyo palakihin mo ang galaw ng mga balikat mo. (huwag naman yung exaggerated) “She will read ‘confidence’ and confidence is always attractive,” ito ang sabi ng isang NYC-based body language expert na si Tonya Reiman, ang author ng The Power of Body Language: How to Succeed in Every Business and Social Encounter. “Do this while holding eye contact and smiling and you will easily catch her attention.” Basta siguraduhin mp lang na tumindig ka palagi ng matuwid at panatilihin mong pino ang paggalaw ng balikat mo. Kung masyado kang nakayuko baka isipin niya na injured ka o baka maging kamukha mo si Gollum ng Lorf of the rings habang papalapit ka ng slow-motion.
“I-build up mo ang sarili mo sa kanya (tactfully)”
Kung marunong kang magsalita ng ibang language, o kung marunong kang tumugtog ng gitara, siguruhin mong ma-ipapakita mo sa kanya. “Skills or talents are super sexy and highlighting them makes you appear more dynamic to her,” ito naman ang sabi ni DeAnna Lorraine, isang dating and relationship coach sa San Diego. Ang trick lang diyan eh hayaan mo lang mag-flow ang conversation ninyo hanggang sa maging natural yung paraan ng pag-uusap ninyo, para hindi ka lumabas na awkward – o parang nagyayabang ka na. Hintayin mo yung tamang opening, saka mo ipakita na parang natural na lang sa’yo yung ganoon. Sigurado makikita niya na may pagka-witty ka. Points yun p’re.
“Kuwentuhan mo siya ng mga nakakatawang bagay na nangyari sa’yo, but don’t make a fool out of yourself, make fun lang”
Gustong-gusto ng mga babae ang tumawa at nangunguna sa listahan nila ang sense of humor, kaya ipakita mo sa kanya na may pagka-easy going ka din sa pagkukwento sa kanya ng mga bagay na may mga nakakatawang moment. I-kwento mo sa kanya yung unang beses kang nag-bungee jumping o parasailing, kasama yung part na tinamaan ka nung tali sa mukha o kung paano ka nagpagulong-gulong nung naglanding ka. “Stories with slight self-deprecation show her that you’re comfortable in your own skin and resilient enough to pull out of problematic scenarios with a positive attitude,” sabi pa ni Reiman.
“Magsalita ka with a strong, firm, at sure na boses”
Linawin ko lang ha, hindi ko sinasabi na sigawan mo siya. Pero ang gusto mong ipakita sa kanya ay yung confidence mo, na hindi mo maipapakita kung mahina at hindi maintindihan yung pagsasalita mo. Para masiguro mong maririnig niya ang boses mo, i-practice mong magsalita ng mas malakas ng konti sa iniisip mong boses mo kapag kausap mo ang mga barkada mo. At dahil pwedeng sirain ng kaba ang ginagawa mong effort, at gawin nito na choppy o boses-ehem ka kapag nagsasalita, hinga muna ng malalim bago ka pumunta sa date mo. “It will relax you and automatically lower the pitch of your voice,” sabi ni Reiman. Breathe in sa ilong habang nagbibilang ng lima at exhale sa bibig, five seconds yun p’re. Ulitin mo lang ng mga sampung beses.
“Yayain mo siyang kumain sa isang Thai restaurant”
If you really want to get her pulse racing, yayain mo siyang kumain ng spicy food. Yung mga pagkain na may sipa, kumbaga, kagaya ng mga pagkaing may curry o kaya mga sili, ay nakakapagpabilis ng daloy ng dugo – at habang nag-iinit siya, i-aassociate niya yung rush na nakuha niya sa pagkain doon sa mga oras na magkasama kayo. At mayroon pang ibang nangyayari bago man ang unang subo niya sa pagkain. “Spicy foods spark feelings of danger,” sabi pa ni Reiman, “and a slight sense of fear can give her a small shot of adrenaline and build excitement.” Payuhan mo siya na um-order ng isang spiced-up entrée at um-order ka ng hot dipping sauce na may kasamang appetizer na pwede ninyong pagsaluhan.
“Bigay mo sa kanya ang kompletong atensyon mo, 100% p’re”
Kapag kasama mo siya, try to make her feel na siya lang at wala kayong ibang kasamang tao sa paligid ninyo. “Even if dishes are breaking and good looking waitresses are walking by, keep your eyes focused on her,” sabi pa ni Reiman. Pakinggan mong mabuti ang mga sinasabi niya sa’yo at magbigay ka lagi ng follow-up questions para maipakita mong interesado ka sa mga sinasabi niya. Mararamdaman niyang naa-appreciate mo siya, at makakadagdag pa yung eye contact habang nag-uusap kayo, sigurado mararamdaman niya na may koneksyon kayo.
“Biruin mo siya”
Iniisip mo sigurado na dapat sa umpisa e hinay-hinay lang at dapat ingatan ang mga sasabihin mo sa kanya habang kinikilala mo siya, pero pwede yung mag-backfire at magmukha kang boring. Kaya huwag kang matakot na mag-disagree sa kanya sa kung sino ang dapat na nanalo sa gusto ninyong sports o kaya naman ay medyo biruin mo siya tungkol sa mga tipo niyang music. Nakakatulong kasi minsan yung medyo magtatalo kayo para mawala yung tension ninyong dalawa habang nagdi-date kayo. “You’ll turn the conversation into something playful and flirtatious,” sabi pa ni Lorraine. Kung tumatawa siya at nag-eenjoy sa conversation ninyo, mas magiging relax siya at pwede pang mas ma-attract siya sa’yo.
Maraming salamat sa inyong walang sayang pagsuporta sa aming Blogsite! Dahil diyan araw-araw na kaming magpopost ng mga the Best and Top Quotes and Sayings na siguradong magugustohan nyo! Please Visit Us at: mrbolero.com on facebook! Please Like and Share! Thanks!