“Top 10 Na Ugali Ng Tao”
Sa ating mundong ginagalawan iba’t ibang klaseng tao ang ating matatagpuan, ang iba dadaan upang tayo ay turuan. Mayroon din tayong makikilala ngunit magdudulot lang sa atin ng kalungkutan. ang iba naman ay darating upang bigyan ang ating puso ng kapighatian. May mga taong bibigyan tayo ng mapait na karanasan, taon ang bibilangin upang makabangon. ngunit huwag ang mga taong nakagawa ng masama sa buhay mo ang iyong pagtuunan ng pansin. Iwaksi mo sila sa iyong isipan at ang bagong bukas ay iyong kakaharapin. At ang mga karanasan mo sa buhay ay magsisilbing kalakasan.
Sila yung mga taong hindi man perpekto ngunit ayos na magisip, alam na nila yung mga bagay bagay na dapat nilang gawin. Mga bagay na dapat nilang ipriority tulad ng mga working students, nagtatrabaho sila upang makapagaral. Binabalewala nila yung pagod ang mahalaga sa kanila makatapos ng pag-aaral upang makatulong upang mapainlad ang kanilang pamumuhay.
“Honest”
Sa panahon ngayon kokonte na ang taong tapat hindi ko nga sure kung meron pa neto ei kasi usong uso na ngayon yung white-lie. Yung tipong magsisinungaling huwag lamang mapagalita o kaya naman huwag lamang maghinala si baby ahem ahem tamaan, sapul! (Wag ng iilang ikaw talaga targett ko hahaha)
“Understanding”
Sila naman yung taong napakahaba ng pasensya (ahem masarap to maging jowa) yung tipong baliw baliw ka tapos handa kang unawain. Yung tipong ikaw me kasalanan tas handa siyang angkinin yun wag lang kayo magaway ( baby asan ka akin kanalang iingatan ko puso mo). Kung pwede lang sana lahat nalang ng tao ganito nuh para wala ng giyera diba? Kung iisipin naman wala namang kinakahinatnan ang giyera ei marami lang namamatay :(.
“Loyal”
Mga taong loyal ang gusto ng lahat ngunit bakit iniiwan nila si kasintahan nila para sa gwapo o maganda? “ang maganda/pogi naman papangit din, ang sexy tataba rin at ang mga flawless jan kukulubot din naman yan ahh.. Bakit kaya hindi magawa maging loyal nung iba? Kung marunong lang sana makontento ang lahat walang masasaktan at walang patuloy na aasa sa wala.
Sa ngayon kokonte nalang ang taong mapagkakatiwalaan bakit kaya ganun alam naman siguro nila na ” ang tiwala pag nasira mahirap na ulit buuhin”. Ngunit bakit kaya nagagawang magtaksil ng iba? Nagagawa nilang lokohin ang mas masama nito yung tipong pati sarili gagawing lokohin. bakit? Bakit wala ka tiwala sa sarili mo? sila nga nakaya nila ei ikaw pa ba?
“Positive”
Minsan ang pagiging positibo ay hindi rin nakakabuti lalo na kung sa maling bagay gagamitin. Oh example para gets mo positive ka magisip like magnanakaw ka iisipin mo hindi nila malalaman na ikaw ang kumuha. Magandang namang attitude naman ang pagiging positibo lalo na kung sa tamang paraan sabi nga ng matatanda ” think positive and positive things will happen”. Kaya huwag mong isiping hindi mo kaya lagi mong isipin na kaya mo, “pag may tiyaga may nilaga”.
Lahat naman tayo ay may angking talino, hindi palang nadidiskubre ng iba kung saan sila magaling. Meron magaling sa Math, meron ding sa English, History, Science at madami pang iba aabutin tayo ng 2030 pag iisa isahin ko (joke lang hahaha). Sabi nga ng mga guro diba “walang nilikhang bobo ang diyos” ( pero tanga ang dami oppps joke lang).
“Dependable”
Ito naman yung mga taong minsan bwisit! Pinakopya muna nga at lahat galit pa sayo kasi hindi daw siya nakaperfect! (mamaya ka sa labasan XD). Pero narealize ko na nakakaawa pala sila kasi wala silang tiwala sa sarili nilang kakayahan, kasi iniisip nila baka bumagsak sila kapag hindi sila gumawa kodigo o hindi sila nangopya. Meron din namang idenedepende lang nila yung buhay nila sa kanilang magulang in-short pabigat (ooopppsss sorry ^_^v ilag ka nalang). Kalalaki ng katawan ngunit sa nanay at tatay parin umaasa upang mabuhay, pwede namang magkargador upang makaipon man lang kahit pangbili ulam diba?
“Forgiving”
Sila yung mga taong may mga mabubuting puso sapagkat sa mga sakrepisyong ginawa nila lolokohin sila kasi alam nilang papatawarin sila. Sa totoo lang naaawa ako sa mga taong handang patawarin ang taong nagkasala sa kanila pero at the same time humahanga ako sa kanilang kakayanang magpatawad. Siguro alam nila yung kasabihang “Si Lord nga nagpatawad ikaw pa ba?”. Kung tutuusin namang ei ok lang magpatawad ngunit kung paulit ulit na aba magisip kana… Wag magpakatanga sa isa marami dyang iba handang mahalin ka.
“Demanding”
Mga taong buwisit talaga(oppps intro palang sorry sorry), sila kasi yung mga taong naghahangad parati ng higit o mas higit. Diba mas ok kung makokontento nalang tayo sa taong napili natin sa taong meron tayo ngayon? Ngunit bakit yung iba talagang naghahangad ng mas maganda/guwapo, sexy/yummy, mayaman at flawless? maganda nga sexy nga mayaman nga ang tanong mamahalin kaba talaga gaya ng pagmamahal ng taong handang gawin lahat lahat para sayo?
“Salamat sa patuloy na pagsubaybay sa pinakaaabangang blog site sa Pinas, Ngayon alam mo na ang ibat ibang uri ng tao sa mundo. Nagustuhan mo ba ang mga quotes na ibinahagi ko sa inyo tungkol sa iba’t ibang ugali ng tao? Aba madali lang sagot jan patuloy na abanggan ang blog site na ito or bisitahin ang gamin FB page .com”
Please LIKE and SHARE but don’t forget to SMILE ?
Thanks!