Anong Klaseng Galawan Ang Meron Ka?

blog

Anong Klaseng Galawan Ang Meron Ka?

Sa dami ng tao sa mundo, paano ka nabibihag sa iisang lalaki? Dahil ba sa itsura? Sa talino? O kung paano ka nila napa-ibig? Narito ang iba’t ibang klase damoves ng mga lalaki when it comes to making girls (and gays) fall.

Disclaimer: I’m not generalizing all the boys. Matamaan ang deserve matamaan ?

 

Galawan #1: The Playboy

Galawan #1: The Playboy

Ito yung mga lalaking, madalas, pisikal lang ang hanap. Kadalasan, mga nakaka-fling ng mga ito ay mga liberated type girls din. Since they are both outh for fun, they will click. Ang problema, kapag nadala si girl pero si boy, still the playboy. Pag laro, laro lang. Pag hang-out, labas lang. No strings attached for playboys. Keep it in mind. (Cool lang, ang isa, dapat marami pa HAHAHHAHAHA)

Galawan #2: The Painosenteng Jerk

Galawan #2: The Painosenteng Jerk

Sila yung mga lalaking akala mo walang ginagawang kalokohan. Lahat ng tingin ng tao sa kanila, mabait, when in fact, mga pasimuno at numero uno din sa kalokohan, lalo na sa babae. Kaya maraming nahuhulog sa kanila kasi dinadaan nila sa ‘good image’ ang mga babae. Kesyo hindi ako katulad ni ganito, ni ganyan, pero ang totoo, mas malala sila kung magpaikot at magdurog ng puso. (Pa-victim!)

Galawan #3: The Pafall

Galawan #3: The Pafall

Mga lalaking minahal mo, na akala mo mahal ka rin. Pero at the end, iiwan ka ring umaasa na baka hindi pa ito yung ending. Bibigyan ka ng motibo pero hindi ka paninindigan hanggang dulo. Nawalan na sila ng gana sayo, kaya ang ending, nafall ka na lang, pero walang sumalo. Mga pafall! Mga paasa! (Hindi naman lahat, tho, hehe)

Galawan #4: The Chill Type

Galawan #4: The Chill Type

Sinimulan sa pagkakaibigan hanggang sa nagkahulugan ng nararamdaman. Ito yung mga lalaking mas una mong nakasama bilang kaibigan hanggang sa natutunan mong mahalin. Yung masasandalan mo at nagpapatawa sayo pag may problema ka. Hindi sila pafall, pero kusang nahulog ka. Yung kahit iwasan mo, hindi mo napigilang mahulog sa kaibigan. Swerte mo pag mutual, pero pag hindi. Engk. Awkward na. Or worse, friendship over pa. (Shoutout sa mga friend ang ex nila. Shoutout saten. No hard feelings.)

Galawan #5: The Serious Type
Galawan #5: The Serious Type

Mga lalaking masarap mahalin dahil alam kong ikaw ay seseryosohin. Sila yung mga lalaking alam mong ihaharap ka sa altar. Kaya kang panindigan at kasama ka sa mga pangarap sa buhay. Sila yung tipo ng lalaki na kaya ka nahulog ay dahil desidido silang paibigin ka. Na ikaw yung priority nila na kahit makuha, hindi iwawala. Pangmatagalan kung baga. (Sana all may forever, edi sana walang bitter)

Iba’t ibang lalaki man yan, mararanasan natin bawat isa dyan sa paraan at panahong hindi natin namamalayan. For more bola-bola updates, stay tuned at mrbolero.com!

(Visited 74 times, 1 visits today)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Message *
Name*
Email *