Wala naman akong gjnagawang masama pero sinabihan ako ng paasa? Ako lang ba? O marami pang iba?
Isang beses, nasabihan ako na pa-fall ako. Hindi ko naman maiwasang magulat. Kaibigan ko yon at madalas kong kausap. Kwentuhan lang naman at puro katatawanan. Minsan kasabihan din ng problema dahil na rin sa naging sandalan ko siya.
Pero one day isang araw, bigla niya na lang sinabi na gusto niya ako. Being honest, sinabi kong friend lang ang tingin ko sa kaniya.
Reply niya: Eh bakit mo pa ako pinaasa sa wala?
Ako: Anong klase pagpapa-asa ginawa ko?
Siya: Patanong-tanong ka pa kung kumain na ba ako at kung anong ginagawa ko? Lagi rin kitang kachat mula umaga hanggang gabi. Buong buhay ko nakwento ko na sayo. Tapos sasabihin mo kaibigan lang ang tingin mo sakin? Napaka-gago mo.
At nagulat ulit ako. Una pa-fall. Ngayon gago. Masama bang maging Honesto?
Nagtanong lang naman ako kung kumain ka na ba bilang respeto kasi kumakain ako. Tinanong ko lang naman kung anong ginagawa mo kasi parang lagi kang free sa tuwing kausap ko. Nagrereply lang naman ako sa mga chat mo at na-enjoy ko rin ang company mo kaya tayo nakakapag-usap ng maghapon. Nagkw-kwentuhan lang naman tayo tapos bigla kang na-fall. Wag ganon.
Yung mga kaibigan ko kakwentuhan ko sa life, pero di ko naman nagustuhan. Sila rin, di nagkagusto sa akin. Kasi alam mo yung limitasyon? Yun dapat yon.
Hindi ako pa-fall pero hindi ko rin kasalanan na umasa ka sa inosenteng usapan natin.
Hindi naman ako gigil. Pero sana, lahat ng may ka-chat, wag niyong isipin na forever na. Kaya nga nauso ang temporary para pansamantala.
For more blogs, visit mrbolero.com! Happy reading!