IKAW PA RIN

Latest Post

-Ikaw pa rin-


Kamusta ka na? Ako? ito ikaw pa rin

Ikaw pa rin ang nagsisilbing inspirasyon ko sa kada araw o kahit gabi,

Ako ay parang preso na masaya pag laging may Ikaw na dumadalaw..

Ako? Ito, laging may sulyap sa mayamang mong anyo

Na sa tuwing pumapatak ang iyong pawis

Pinapanalangin ko na sana, sana ako na lang yung panyo.

Masulyapan ko lamang ang iyong napakagandang ngiti ,

Nawawala na ang aking maghapon kong pagod.

Ang mga malaporselanang kamay mo ang nais kong sa likod ko ay humagod.

Lahat nang ito’y pangarap ko, pangarap ko habang ako’y nakatitig sa malayo..

Ngunit nasasaktan ako na sa tuwing naiisip ko na ang lahat nang ito’y malabo

Dahil si ikaw ay di pinapansin si ako.

Tila ba ako’y isang bagong salta at dayo..

O baka naman hindi ko lang talaga matanggap na

Si ikaw at si ako ay malabo nang maging TAYO!

Leave a Reply

Follow Us on Facebook