Panahon
Huwag kang mag alala kung ako ay di na maghihintay
Napagod na ang puso at isip sa kakahintay
Sa anumang kapalit ng aking alay na pag ibig
Di man para tayo sa isat isa
Lahat pa din sayo ay ibibigay kahit hindi mo hinihingi
Huwag kang mag alala di kita paghahanapan pa
Sapagkat ito ay kusa ng aking pag ibig
Sadyang mapaglaro ang panahon
Hayaan mo ako muling aahon.